Tuesday, May 19, 2020
SEXIST LANGUAGE O LENGGWAHENG SEXIST
Ano ang Sexist na lenggwahe?
Ito ang lenggwahe na tumutukoy sa kasarian o gender.
Maraming halimbawa ng sexist language.
Pero una muna, ano ang sexismo? Ito ay isang uri ng pagtatangi, laban sa isang kasarian, kadalasan laban sa kababaihan.
Anu-ano ang mga uri ng sexist na lenggwahe, yung may pagtatangi?
Paggamit ng panghalip na patungkol sa sangkatauhan pero gumagamit ng isang sex lamang.
Sa Ingles, maraming uri ng sexist language tulad sa halimbawang ito:
Every student will be reporting in August. He will have to bring his schoolbooks and pens.
Sa Pilipino, ang pagsasalin nito ay " Bawa't estudyante ay magrereport na sa Agosto. Kailangang dalhin niya ang kanyang mga aklat at bolpens.
Samakatuwid, walang he or she, kundi siya na maaaring magtukoy sa lalaki o babaeng estudyante. Kung kaya't mararamdaman ng babaeng estudyante na kasali siya sa patakaran na ipatutupad.
May isang palasak na sexist language akong naririnig sa radyo: ang salitang radyoman.
2. Isang titulo ng trabaho na patungkol sa lalaki bagaman ang trabaho ay maaari ding gawin ng babae.
Halimbawa, radioman, bagaman may mga babaeng radio reporters. Ang radioman ay tumutukoy lamang sa mga lalaki pero isinasama ang mga babae sa ilalim nito. Kaya ang tawag kay Ria, ay radyoman, at si Silvestre ay radyoman din.
Pag ganito ang titulo ng trabaho, ang kadalasang magaaplay sa trabaho ay lalaki, at mawawalan ng interes o bababa ang motivation ng babaeng magtrabaho sa ganitong estasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment