Two coordinators, Ka Sela and Ka Emma of a women's organization, Makamasa in Tondo are talking about the "Balik-Probinsiya" program of the government.
EMMA: Ka Sela, anong tingin mo sa "Balik-Probinsiya?" Marami bang mga taga Tundo ang sasama rito?
KA SELA: Ay, naku Ka Emma, lahat dito sa Tundo gusto yang programang yan. Pero ang tanong, paano silang magsisimula sa probinsiya?
EMMA: Samakatuwid, tinatanong niyo kung ano pang tulong ang kasama sa programang ito?
KA SELA: Tama. Kasi marami sa kanila noong nagpunta sa Maynila, magaganda ang plano pero pagdating dito, naging gangster, Sigue-Sigue, Oxo, at marami pang iba, dahil sa hirap ng buhay. Kumapit sila, sumama sila sa kung sino ang malalakas sa komunidad para maproteksyonan sila.
EMMA: Aba, oo nga pala ano? Ang Balik Probinsiya, sa kabalintunaan ay Punta-Maynila program ng mga tao noon.
KA SELA: Oo at yung mga babae, nagbenta ng katawan nila para mapakain ang mga anak, habang yung asawa, naging pahinante sa piyer na maliit ang kita.
EMMA: E paano ho tayong tutulong na maging matagumpay itong programang Balik Probinsiya at hindi maging isang kaparis ng Tundo ang lilipatan ng mga tao?
KA SELA: May tatlong klase ng mga taong gustong bumalik o pumunta sa probinsiya: una yung gustong magsimula ng bagong buhay na marangal. Pangalawa, yung wala talagang makitang pag-asa dito sa Maynila kaya babalik na lang sa pinag-ugatan nila. Pangatlo, yung mga taong naghihintay na lang ng takipsilim sa buhay nila.
KA EMMA: Magbibigay ho yata ng pera ang gubyerno sa mga gustong bumalik; ang narinig ko noon ay sampung libo. Tama na ho ba yun, sa tingin nyo?
KA SELA: Ay naku, Ka Emma, ipang iinom lang nila yun sa mga kababayan nila. "O Pare, ang tagal mo sa Maynila a. Magpainom ka naman." Ikaw naman Ka Emma parang hindi mo kilala ang mga kababayan natin.
KA EMMA: A, alam ko na, bago tanggapin na Balik Probinsiyano o Balik Probinsiyana, ipasulat sa kanila o interviewhin kung anong gustong gagawin pagdating duon sa bayan nila.
KA SELA: Tama at ipasulat sa kanila kung ano'ng proyekto ang gagawin nila at kung magkano ang kailangan buwan buwan para matulungan silang matustusan ito.
KA EMMA: Oo nga ano, at saka ma momonitor ang gawain nila ruon. Hindi yung basta-basta pabanjing banjing, pasuruy-suroy na paglipat sa probinsiya.
KA SELA: Oo, ibig sabihin may tukoy na layunin sila sa paglipat duon.
KA EMMA: E para naman duon sa naghihintay ng takip-silim?
KA SELA: Aba, ako otsenta na, nagsu zumba pa. Hindi puwedeng nakanganga at naghihintay malagutan ng hininga. Kelangan busy rin sila - nagtatanim, sumasali sa mga senior citizen clubs, at nage-ehersisyo kada umaga.
KA EMMA: Naku, Ka Sela, ang gaganda ng mga sinabi ninyo. Kailangang maparating natin ang mga ito bago mga jeproks o kaya pa tong-its, tong-its o tiktok lang ang maipadala ruon.
KA SELA: Dapat ang barangay na tatanggap sa kanila magkaroon din ng programa para sa kanila, nang sa ganuon maging malapit sila sa mga kababayan natin hindi lamang sa punto ng galimgim.
KA EMMA: Ano yung galimgim?
KA SELA. Yun bang, pag nagkita ay parang nagbabalik ang kanilang mga nakaraan at nailalabas ang kaugnayan sa isa't isa.
KA EMMA: A nostalgia. Kasi nawawala din yun di ba?
KA SELA: Oo, isang linggo lang yun na inuman tapos na. Sa susunod na linggo, away away na sila, deba-debate.
KA EMMA: Kailangan maging asset din sila sa komunidad, hindi pabigat.
KA SELA: Tama. Yun bang matuto silang mag-bolunteer kung kailangan. Halimbawa, kailangang magtayo ng tubig na dadaluy mula sa bundok papunta sa komunidad, kailangan sama-sama lahat.
- "There is no power for change greater than a community discovering what it cares about." – Margaret J. ...
- Walang lakas ang pagbabago kundi sa pagkakaroon ng isang komunidad na natutukoy kung ano ang pinakamahalaga sa kanila.
- "The greatness of a community is most accurately measured by the compassionate actions of its members." – Coretta Scott King
Ang kadakilaan ng isang komunidad ay nasusukat sa kung gaano kataimtim ang damayan sa isa;t isa ng mga kasapi.
- “Alone, we can do so little; together, we can do so much” – Helen Keller.
- Kung tayo'y nag-iisa, karampot lamang ang ating magagawa; kung sama-sama, marami tayong matatamo.
Meg Wheatley is an
American writer and management consultant who studies organizational behavior.
Her approach includes systems thinking, theories of change, chaos theory,
leadership and the learning organization: particularly its capacity to
self-organize.
Coretta Scott King was an
American author, activist, civil rights leader, and the wife of Martin Luther
King Jr. An active advocate for African-American equality, she was a leader for
the Civil rights movement in the 1960s. King was also a singer who often
incorporated music into her civil rights work.
Helen Adams Keller was an
American author, political activist, and lecturer. She was the first deaf-blind
person to earn a Bachelor of Arts degree.
KA SELA or Marcela Farola was the guiding light of Makamasa during its heyday in Magsaysay Village from 1984 to 2002. She now lives with her family in Cavite, dancing the zumba every morning. Makamasa would not have been able to survive without her high moral standards and a firm belief in the God Almighty
KA EMMA was the over-all coordinator of Makamasa seeking help from outside to help the Tundo women attain equality, development and peace in their community. Together with Ka Sela they walked the grounds of Tondo, walking among the women, visiting their homes and sympathizing with those who were victims of cruel husbands. The main project of the group then was Feminist Literacy for the home, the community and the society-at-large. Makamasa was funded by the Laubach Literacy International based in Syracuse, New York.
No comments:
Post a Comment