"free, fair and fraud-free elections in the Philippines"
This is the motto of the Parish Pastoral Council for Responsible Voting. *
Yet if we examine its activities, have they made a dent at all in the electoral practices in the country?
In its radio spiel, it says,"Tayong mga Pilipino ay mahilig mangarap. Kaya pagboto natin, isipin natin ang pangarap natin."
Ganon? Ano ba talaga ang pangarap ng bawa't Juan at Juana? Simple lang ba silang hihiga sa ilalim ng puno ng bayabas at mangangarap na sana ay malaglagan sila ng prutas. Ganun ba kainutil ang Pinoy at Pinay?
Hindi yata alam ng PPCRV na ang Taumbayan ay naghahanap ng mga mamumuno na mag-aahon sa kanila sa kahirapan, sa gutom, at kawalan ng bubong na masisilungan.
Pangarap ng mga nagbebenta ng boto ay makakain ng 3 beses isang araw. Kaya sila ay tumatanggap ng suhol.
Dapat tinanong sila ng PPCRV, tatlong beses lang sa isang araw? Hindi. Dapat sa loob ng tatlong taon at panghabangbuhay pa. Hindi sa loob lamang ng isang araw. Ang 200 o 500 piso ay hindi tatagal ng taon. Kaya dapat ang iboboto ay yung matino, may puso para sa mga nangangailangan, at handang magsakripisyo ng buhay para lamang makapagsilbi ng tapat sa bayan. Daang libo ang halaga ng boto natin.
Kaya itigil na ang kasasalita na dahil sa pangarap kaya boboto ang mga tao. Mali ang propaganda na yan. Nasa alapaap ang pangarap pero ang boto ay nasa lupa. Kaya hanggang ngayon marami pa ring nagbebenta ng boto.
Hay naku, PPCRV, please listen to the people, not to your voices. You have existed since 1991. Now is the time to examine your activities. Fraudulent electoral practices exist not just during the election day, but before, and after.
Kung may 500.000 volunteers kayo, marami kayong magagawa para ayusin, palitan, gawing malinis ang election para ang pagboto ay mas makatao, tapat, walang bahid ng kurakutan.
With 500,000 volunteers you can do a lot to improve, to change, to revolutionize the electoral practices to make them more humane, more righteous, and more just.
Volunteers: 500,000+
Founded: October 1991
Number of volunteers: 500,000
Motto: Boto Ko, Dangal Ko, Ipagtatanggol Ko; (I'll defend my vote, my honor)
Focus: Elections, plebiscites and referendums
No comments:
Post a Comment