Wednesday, May 15, 2019

PART 2 PAGBABAGO SA BAHAY CARIDAD...


PAGBABAGO 2 

6. Magkakaroon tayo ng workshops for marital peace, for family bonding, at iba't ibang crafts;

7. Maglilista tayo ng mga kasanayan ng bawa't residente, kung gusto o puwedeng magbolunteer, magturo o magconduct ng workshop o tumulng sa nangangailangan. Puwede ring may bayad ang workshop pero may discounted rates sa mga walang kaya;

8. Magtatakda tayo ng mga pangalan, mga celfon at kontak numbers ng mga trabahador -tubero, karpintero, o mason na available anytime par magtrabaho sa mga nangangailangang bahay-bahay;

9. Ang mga bulaklak ay nagpapagaan ng loob at isipan. Maglalagay tayo ng mga tanim, o flower gardens sa tabi ng mga gusali, sa gilid ng mga driveways at gilid ng mga lagusan -entrances at exits ng mga gusali. Bawat gusali ay magkakaroon ng mga volunteer-gardeners na mangangalaga ng mga ito on a rotational basis;

10. Magbibgay tayo ng ID sa bawat residente at sa mga papasok sa compound para kilalanin natin ang mga kapitbahay at maiwasan ang mga hindi magandang kalakaran sa ating compound;

11. Kukuha tayo ng mga volunteers na maaaring magturo ng pag-awit, pagsayaw, etsetera;

12. Bawa't ikalawang buwan, magkakaroon tayo ng mga ARAW NA MAY KABULUHAN :Araw ng Kabataan, Nakatatanda, Senior Citizens, Kababaihan, Mag-asawa (Couples Day), Artists day, etsetera kung saan magpapalabas ng mga talino, talento ang mga grupo.
13. Mag-iimbita tayo ng mga awtoridad na kayang magsalita sa mga mahahalagang topics tulad ng divorce, tax incentives, atbp.

KUNG MAY MGA SUHESTIYON KAYO, IPAHATID SA miravera2010@gmail.com at ating isusulat dito para maipahatid sa mga knauukulan.

No comments: