Friday, May 3, 2019

TARPAULIN PROPAGANDA: KAILANGAN NG REGULASYON


Ang mga tarpaulin ay naging palasak na pam-propaganda ng mga kandidato sa eleksyon. Dahil walang regulasyon sa paggamit nito, walang habas na dikit dito, dikit doon ang ginagawa - na nagpapakita lamang ng mga mukha, pangalan at ang pusisyon na inaasam nila. Yun lang?

Karapatdapat ba ito?

Ginagalang ba ng mga ito ang talino at utak ng mga botante?

Binibigyan ba ng mga tarpaulin ng tamang pananaw tungkol sa isipan ng kandidato ang mga botante?
Itinataas ba ng mga ito ang kaalaman tungkol sa gagawin ng kandidato kapag nahalal?
Nangangako ba ito ng gagawin niya kahit walang katuturan?
Wala, wala, wala.

Kung kaya't dapat ipatigil nang Comelec ang paglalabas ng mga tarpaulin na walang sinasabing agenda na gagawin ng kandidato kapag nahalal. Hindi sapat na mukha, pangalan at pusisyon lamang ang nakatatak sa tarpaulin.


Upang maghubog ng mga botanteng masigasig bumoto, makilahok sa malinis na pulitika, at hindi madaling madedenggoy ng mga kandidato, kailangang gawin nating makatwiran ang proseso ng pagkilala ng mga kandidato at kandidata.

Napakahalaga ng eleksyon para hubugin ang kinabukasan ng ating bansa - tayo ba ay pamumunuan ng mga tapat na mga opisyales o mga kagalang galang na mga pinuno na sisiguruhin na tayo ay igagalang din ng ibang mga bansa?


No comments: