PART 1
Usung uso na ang paninirahan sa mga condo na kaytataas ng mga palapag at masikip. Naririto ang aking mga suhestyon para gumaan-gaan ang pakiramdam natin sa pagtira dito:
1. Palakasin ang pagiging mapagkalinga ng mga magkakapitbahay. King maganda ang samahan, walang mahihirapan - sa pagharap sa mga problema sa tahanan, sa pamilya, sa trabaho, sa eskuwela o sa malaking lipunan;
2. Pagandahin ang kapaligiran. Pipinturahan natin ng iba-ibang kulay ang bawa't gusali - Pula, Orange, Luntian, (Green) , Dilaw, Beige, Puti, Maroon , Asul at Lila.Papipiliin ang mga homeowners sa bawa't gusali kung ano'ng kulay ang gusto nila. Magpapalabunutan. 1.) Kung kaninong gusali mapupunta ang kulay at kung ano'ng kulay ang gagamitin sa bawa't gusali;
3. Lalagyan ng bricks ( pulang bato) ang mga daanan sa pasilyo sa pagitan ng mga gusali, sa halip, na baku-bakong semento.Tatawagin ang mga ito na brick roads;
4. Maglalagay tayo ng dalawang elevators sa kaliwa't kanan ng driveway. Ang elevator ay magseserbisyo sa isang gsali at maglalagay tayo ng walkway sa bawa't palapag o floor para malalakaran ng mga tao papunta sa kabilang gusali.Naitanong ko na ito sa isang elevator company at nagbigay sila sa akin ng quotation na binigay ko naman sa isang opisyal ng ating asosasyon pero hindi. na niya maalala at makita pa yung papel;
5. Ang elevator ang silbi natin sa mga seniors, mg PWDs, mga buntis, at iba pang may kapansanan na nangangailangan ng tulong para makaakyat sa kanilang palapag.
6. Magtatakda tayo ng kung ilang meteo kuwadrado na espasyo para sa palaruan ng mga bata sa likod ng compound para lumaki silang pinahahalagahan ang gecrsation para maipahinga qat mapalakas ang isip at katawan;
PAGBABAGO 2
6. Magkakaroon tayo ng workshops for marital peace, for familymbonding, at iba't ibang crafts;
7. Maglilista tayo ng mga kasanayan ng bawa't residente, kung gusto atbpuwedeng magbolunteer, magturo o magconduct ng workshop o tumulng sa nangangailangan. Puwede ring may bayad ang workshop pero may discounted rates sa mga walang kaya.
8. Magtatakda tayo ng mga pangalan, mga celfon at kontak numbers ng mga trabahador -tubero, karpintero, o mason na available anytime par magtrabaho sa mga nangangailangang bahay-bahay.
9. Ang mga bulaklak ay nagpapagaan ng loob at isipan. Maglalagay tayo ng mga tanim, o flower gardens sa tabi ng mga gusali, sa gilid ng mga driveways at gilid ng mgqlagusan -entrances at exits ng mga gusali. Bawat gusali ay magkakaroon ng mga volunteer-gardeners na mangangalaga ng mga ito on a rotational basis.
10. Magbibgay tayo ng ID sa bawat residente at sa mga papasok sa compound para kilalanin natin ang mga kapitbahay at maiwasan ang mga hindi magandang kalakaran sa ating compound;
11. Kukuha tayo ng mga volunteers na maaaring maguro ng pag-ait, pagsayaw, etsetera.
12. Bawa't ikalawang buwan, magkakaroon tayo ng mga Araw ng Kabataan, Nakatatanda < Snior Citizens, Kababaihan, Mag-asawa (Couples Day), Artists day, etsetera kung saan magpapalabas ng mga talino, talento ang mga grupo.
13. Mag-iimbita tayo ng mga awtoridad na kayang magsalita sa mga mahahalagang topics tulad ng divorce, tax incentives, atbp.
KUNG MAY MGA SUHESTIYON KAYO, IPAHATID SA miravera2010@gmail.com at ating isusulat dito para maipahatid sa mga knauukulan.
No comments:
Post a Comment