Ngunit hindi sapat ito.
Kailangan, to bago ilabas, alam ng Comlc kung ilan ang naimprenta at kung saan inimprenta. May patakaran kungto magkano ang gagastusin para sa bawat botante ng kandidato. Ito ang magiging basehan kung ilan ang ilalabas na tarpaulin.
Sa Lungsod, kailangan estimado ng Comelec kung ilan lang ang dapat ilabas na tarpaulin. Kaya't yung lumalabag diyan kailangan, patigilin na kaagad sa paglalabas nito at patawan ng kaukulang parusa dahil sa paglabag.
Sa aking pagiikot sa Lungsod Quezon, nakita kong maraming paglabag ang ginagawa kahit na ng mga taong umaasam sa pinakamataas na puwesto. Yung Scout Ybardolaza may mga tarpaulin pa ng babaeng tumatakbo sa pagka meyor sangkatutak sa gitna ng kalye, nakasabit mula sa kaliwa papunta sa kanan sa tapat ng simbahan ng Sacred Heart. Nakangiti siya at animo inosenteng inosnte sa mga paglabag niya sa mga patakaran ng Comelec.
Ano ang ginagawa ng PPCRV sa ganitong gawain kaya?
Ang Katwiran: kung ngayon pa lamang ay lumalabag na sa patakaran ang kandidato paano kung nakaupo na siya sa puwesto? Ano pa ang maaari niyang gawin?
No comments:
Post a Comment