3. Coconut, Our Crop in the Philippines, Their Food Overseas - tungkol sa mga magbubukid sa niyugan sa Timog Katagalugan at mga manggagawa sa pabrika ng Red V, Peter Paul, at Franklin Baker. Tinahak ko ang paggawa ng desiccated coconut mula sa pagpitas ng buko sa bukid kabundukan ng Tiaong, Quezon, hanggang sa dalhin ang mga buko sa mga pabrika kung saan tinatanggalan ng balat, tinatanggal ang brown covering, at ang tubig o juice. Pinoproseso ito hanggan sa maging desiccated coconut na ingredient sa paggawa ng candy ngCadbury at Mars candies na mga produkto ng Europa. Ang ating mga produkto ay ine export sa mga bansa sa Europa bilang raw materials at pagbalik sa atin ay mga candy na na mahal at hindi mabili ng mga manggagawa karakaraka. Pinondohan ng Ecumenical Center for Development 1979.
Naipalabas ko ang mga ito una, sa Amsterdam sa tulong ng Cinemien at ni Annette Forster, sa London sa tilong ng Independent Filmmakers Association o IFA, sa Oberhausen Film Festival, at sa Super8mm Film Festival sa Brussels, Belgium, (1981-82), sa Nuweba York (1991) (Anthology Museum sa tulong ni Lutgarda Resurreccion at ng org niya) at sa iba't ibang grupo ng mga OFW kababayan natin sa Paris at Roma.
Noong 1986 ay nag direct ako ng TV program na Halina Kabaro sa Channel 4 na PTV 4 na ngayon at nanalo ito ng Best Women's Program noong 1987 at ng gabi ng parangal, si Cardinal Sin ang nagbigay ng premyo sa akin. Nang magbebesobeso sa ako sa kanya, bigla siyang umurong. Nakalimutan ko nga pala "no touch" ang kaparian. Umamen o nakipagkamay na lang yata ako sa kanya.
NOong 2002 ay nakabuo ako ng isang experimental ducumentary, na may pamagat na PANGARAP KO SALUHIN MO- kuwento ng isang babaeng parating binubuntis ng asawa niya dahil sa gustong magkaanak ng lalaki. Nagpa aborsyon siya dahil gusto na niyang makapaghanapbuhay dahil apat na ang mga anak nila. Namatay siya.
Ginawa ko ito upang ipakita ang ilegal na pamamarang aborsyon. Pero kamakailan lang naipasa ang Reproductive Health Act.
NaIpalabas ko ito sa Europa at sa Cultural Center of the Philippines.
Ngayon sa pagsisimula ko ng tungkulin bilang mayor, gusto kong kunan ng pelikula ang ating lungsod, ang bawat distrito at magiikot ako sa mga barangay upang ipakita ang katatagan at kagitingan ng ating mga mamamayan ng lungsod na gumagaod at nagtatrabaho para maitawid ang pangangailangan ng kanilang mga mag-anak. Ipapakita ko ang ang kapaligiran.
Ito ang magpapatunay kung matapos ang tatlong taon kong panunungkulan ay may pagbabago sa buhay ng mga kababayan natin. Tatawagin natin itong PELIKULA NG KATOTOHANAN, at may maliit na titulo, Saan Tayo Papunta, Kababayang QC?
No comments:
Post a Comment