Ang eleksyong ito ay magiging mataas na batayan sa pagkakaroon ng mabuting halalan sa ating bansa.
Bakit ko nasabi ito?
Sapagka't mapanuri na ang ating mga mamamayang botante. Dahil sa social media kung saan malaya silang nakakapagsulat ng kanilang saloobin na walang nag se censor sa kanila, mayabong ang mga talakayan. Mgatanong ng taumbayan na umaalingawngaw din at kinakalat sa ibang pangmadlang kabatiran (media) : totoo ba ang sinasabi kong nakapagtapos ka ng degree sa unibersidad na ito? IKaw ba ay hindi kasama sa narco list? Ano ang mga plano mo para sa syudad?
Ang mga tao ay hindi na tumatanggap basta basta ng propaganda, bagkus sinusuri ito.
Pero may isang tanong na hindi inilalabas: legal ba ang kayamanang ginagasta mo para sa eleksyon? Saan mo ito nakuha? Kailan? Sino ang nagbigay sa iyo?
Huwag nating kalimutan na ang mga bilyones na mga nakaw sa mga nakaraang rehimen ay hindi pa rin naibabalik. Panahon na para alamin natin ang SALN ng lahat ng mga nais bumalik sa gubyerno. Sila ba ay magsisilbi i magpapayaman muli?
Ang Sandiganbayan ay kinakailangang ilabas na ang lahat ng SALN na yan sa ngalan ng isang malinis na halalan, sa ngalan ng pagbibigay katarungan sa taumbayan na magkaroon ng maghahalal ng mga tunay na magsisilbi ng tapat sa bayan.
Wednesday, March 6, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment