Tuesday, March 19, 2019
MALINIS NA KATAWAN, MALINIS NA ISIPAN
PAMPUBLIKONG PALIGUAN AT PALIKURAN
May mga taong walang mga pasilidad na paliguan atbpalikuran. Kadalasan pa ay naliligo at naglalaba sila sa tabi ng kalye. Magtatakda tayo sa bawa't baragay ng pampublikong paliguan at palikuran at may espasyo para maglaba. Magbabayad ng piso ang bawa't tao at maaaring libre kung walang wala talaga na kailangang ayunan ng barangay Captain.
Palalagyan din natin ito ng bath tub para maaaring maglublob ang mga taong gustong palamigin ng husto ang katawan nila. May kuwarto din ito na may kurtina upang magpamasahe ang babae o lalaki. Bibigyan natin ng trabaho ang mga may kapansanan na may kakayahang magmasahe.
Mahalagang magkaroon ng maayos na paglilinis ng ating mga katawan at ang tubig ay napakahalaga para dito. Ang mga bata ay hindi madaling magkakasakit kung parating malinis ang kapaligiran natin. Gagaan ang buhay ng lahat kung alam natin na anumang oras ay mari nating linisin ang ating sarili kahit na pampubliko pa ito.
May mamamahala ng pasilidad na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment