Tuesday, March 12, 2019

DOCUMENTARYO PELIKULA NG BAWA'T DISTRITO

Isang kasanayan na nakuha ko sa Ateneo de Manila University (MA In Communication 1991) at pamamalagi ko sa Europa (1981-1982) ay ang paggawa ng Pelikula. Sa katunayan, ako ay nakarating sa Europa dahil sa tatlong pelikulang ginawa ko sa ating bansa: 
1. Vochong- dokumentaryo pelikula tungkolsa bodong isang uri ng mapayapang paglutas ng mga kaguLuhan sa pagitan ng mga tribo sa lupa ng mga Igorot, na kinunan ko sa Kalinga, sa kasagsagan ng isyu laban sa Chico River Hydroelectric Project. Ang proyektong ito ay naglayong ilubog ang mga rice terraces ng mga katutubo na dantaon nang naitayo. Ang pelikulang ginawa ko at slide presentation ay ginawang pangkampanya laban sa proyekto ng mga taga Northern Cordillera at nanalo naman sila. Pinondohan ng Ecumenical Center for Development, 1979 
Image result for macliing
2. Ye Binto, T'boli Brassmaker - dokumentaryo pelikula tungkol kay Ye Binto, taga Lake Sebu, na gumagawa ng mga bronze sculptures, dalawa hanggang tatlong pulgada ang taas. Pinondohan ng Filipinas Foundation. 1979

3. Coconut, Our Crop in the Philippines, Their Food Overseas - tungkol sa mga magbubukid sa niyugan sa Timog Katagalugan at mga manggagawa sa pabrika ng Red V, Peter Paul, at Franklin Baker. Tinahak ko ang paggawa ng desiccated coconut mula sa pagpitas ng buko sa bukid kabundukan ng Tiaong, Quezon, hanggang sa dalhin ang mga buko sa mga pabrika kung saan tinatanggalan ng balat, tinatanggal ang brown covering, at ang tubig o juice. Pinoproseso ito hanggang sa maging desiccated coconut na sangkap o ingredient sa paggawa ng mga candy ng Cadbury at Mars - mga produkto ng Europa. Ang ating mga hilaw na produkto ay ine export sa mga bansa sa Europa bilang pang sangkap at pagbalik sa atin ay mga candy na na mahal at hindi mabili ng mga manggagawa karakaraka. Pinondohan ng Ecumenical Center for Development 1979.

Naipalabas ko ang mga ito una, sa Amsterdam sa tulong ng Cinemien, isang grupo ng mga kababaihang namemelikula, at ni Annette Forster; sa London sa tulong ng Independent Filmmakers Association o IFA; sa Oberhausen Film Festival na nagbigay pa sa akin ng honorarium para makarating duon at makabalik sa London;  at sa Super8mm Film Festival sa Brussels, Belgium, (1981-82) sa tulong ni Robert Malengreau; sa Nuweba York (1991) (Anthology Museum sa tulong ni Lutgarda Resurreccion at ng Amauan Foudation na nagpapalabas ng kulturang Pilipino sa syudad) at sa iba't ibang grupo ng mga OFW kababayan natin sa Paris at Roma.

Noong 1986 ay nag-direct, skrip at tumulong sa pag-edit ng TV program na Halina Kabaro sa Channel 4 na PTV 4 na ngayon at nanalo ito ng Best Women's Program noong 198. Nang gabi ng parangal, si Cardinal Sin ang nagbigay ng premyo sa akin. Nang magbebesobeso sa ako sa kanya, bigla siyang umurong. Nakalimutan ko nga pala "no touch" ang kaparian. Umamen o nakipagkamay na lang yata ako sa kanya.

Nakagawa rin ako ng ibang video tulad ng "Gusto Kong Matutong Bumasa" at Southern Tagalog: A blessing for Generations. Noong 2002 ay nakabuo ako ng isang experimental ducumentary, na may pamagat na PANGARAP KO SALUHIN MO- kuwento ng isang babaeng parating binubuntis ng asawa niya dahil sa gustong magkaanak ng lalaki. Nagpa aborsyon siya dahil gusto na niyang makapaghanapbuhay para mapakain ang apat na ang mga anak nila. Namatay siya.
Ginawa ko ito upang ipakita ang ilegal na pamamarang aborsyon. Matapos ang higit sa sampung taon, naipasa ang Reproductive Health Act. NaIpalabas ko ito sa Europa at sa Cultural Center of the Philippines.
Ngayon sa pagsisimula ko ng tungkulin bilang mayor, gusto kong kunan ng pelikula ang ating lungsod, ang bawat distrito at magiikot ako sa mga barangay upang ipakita ang katatagan at kagitingan ng ating mga mamamayan ng Lungsod na gumagaod at nagtatrabaho para maitawid ang pangangailangan ng kanilang mga mag-anak. Ipapakita ko rin ang ang magandang kapaligiran at magagandang gusali. 

Ito ang magpapatunay kung matapos ang tatlong taon kong panunungkulan ay may pagbabago sa buhay ng mga kababayan natin. Tatawagin natin itong PELIKULA NG KATOTOHANAN, at may maliit na titulo, Saan Tayo Papunta, Kababayang QC? 


No comments: