Monday, March 4, 2019

PAGBABAGO SA ELEKSYON MAY0 2019


Minamahal natin ang ating bansa. Kahit na ang mga akababayan natin na nasa mga banyagang bansa ay matiyaga pa ring umuugnay sa atin sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo tulad ng DZXL, at panonood ng computer screens na may teleradyo at telebisyon.

Malungkot ang mangibang bansa subali't hamon sa ating mga kababayan ang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilya at mapaaral lalo na ang kanilang mga anak. 

SA mga kapwa ko kandidato, magbigay tayo ng pag-asa sa ating mga kababayan na ang Mayo 2019 ay magdadala ng bagong kinabukasan sa kanila at hindi na sila kinakailangan pang lumabas ng ating lupa. 

Bigyan natin sila ng magagandang aral na nanamnamin nila sa ngayon hanggang sa Mayo at sa mga mananalo, isumpa nating lahat ng ipinangako natin ay maibibigay natin sa kanila at ang mga pangako ay matutupad o tutup[arin natin sa abot ng ating kaya ng walang tongpats na kasama. 

No comments: