Wednesday, June 3, 2009

DALA-DALA ANG PANGARAP


INAY, IBILI MO KO

Inay,
Ako’y papasok na
Nais kong matuto
Sumulat, bumasa at bumilang

Pakibili po
Isang lapis, may pambura
Papel at kwaderno,
Isang pares ng sapatos,
At payong para sa masamang panahon

Saka nga pala
Pakibili rin
Isang bag
Lalamanin lahat: lapis, kwaderno at papel
Dadalhin ang lahat pati na ang aking pangarap,

Na sa paglaki ko,
Mabigyan ko kayo ni Ama ng buhay na
Salat sa hirap.

-Emma S. Orozco

No comments: