These are most difficult times, especially for the relatives of Covid19 patients. They must be having difficulty thinking of what to say to a relative whose existence on earth is 50-50. Will he or she live tonight or tomorrow and the next day, or is this the only time I will be able to see/talk to him/her (or probably) through a video call?
May be a child would say goodbye this way, "'Tay, paano na kami. Paano ang pag-aaral namin?" Or a wife telling her husband, "Magkikita rin tayo sa langit." Or a kabit telling the guy, "Nauna ka pa sa akin. Sana ako na lang. (But deep in her she is cursing him.)"
All sorts of scenarios are entering my mind about the parting of ways of people who are affected by the Covid 19. But we should not take this separation lightly. I think that doctors and nurses must be able to coach relatives on what to say to the patients without making the disease any graver than it is now.
Our culture here in MetroManila is not as open emotionally as in the provinces. This is simply because, dealing with emotions is hardly talked about, I suppose. People are so immersed in earning a living that to open up one's feeling to an intimate other becomes very difficult as the outside work exacts a great deal of energy already. And so to deal with emotions becomes a secondary if not a dismissed act.
What is emotional openness? I remember two FB videos of men, shown me by Angela, crying out in front of a valley: "U__ na yo..." The men on both counts were jilted by their girlfriends, one having gone with another guy with a better looking motorcycle. But I was so amazed that the men were able to pour out their feelings, albeit in front of Mother Nature, and possibly with the knowledge that they were being filmed. But who cares? The point is that they were able to express their innermost regrets over having had a not so good relationship with the women.
I have always known that women are the ones who are open about feelings. But the above showed me that men can also feel hurt by the acts of infidelity of women. Or maybe it was not infidelity -- just a case of the women having found a better partner economically. Ha ha ha!
No I am not saying that the women partners above were materialistic; probably more pragmatic because of the times. Anyway, that video had shown to me that our fellow male kababayan up north, (in Cagayan), are not so "Mario Claro" the opposite of Maria Clara among men, in disguising their feelings. Which is highly admirable.
Expressing one's emotions is one way of maintaining our sanity, as psychologists would teach us. In human beings, there are many aspects of being -- intellectual or mental, physical, emotional and spiritual. Some partners meet mentally, and physically. They never graduate to having deep emotional ties. Others attract because of going through similar spiritual activities. I have not really found studies on these matters as to how relationships are founded. But most of the time, there seems to be a dearth of deep emotional ties. How funny, I just saw a video of a pair, atop a mountain, and I had thought the guy would be gushing heartfelt feelings. Instead the scene was full of an intellectual analysis of the length of time they have been together and how the camera used was only a celfone. I found it odd - or maybe in their most intimate moments, they could be saying something more loverly, I suppose. Paki ko?
Kidding aside, Folks, I just want our doctors, nurses and other health professionals to remind the relatives to say something good to their sick relatives, something that will make them understand and believe that their existence on this earth was very well spent, and that they are happy and grateful for having had them through this lifetime.
That's all. Let us ease the psychological burdens of patients and make them happy, with our without the thought of healing. And probably, this could also deepen the ties of the family or the partnership. Whatever. With such expressions, who knows, maybe the patient's endorphins* could be activated highly, thereby expelling the virus from their bodies.
*Endorphins are chemicals produced by the body to relieve stress and pain. They work similarly to a class of drugs called opioids. Opioids relieve pain and can produce a feeling of euphoria. They are sometimes prescribed for short-term use after surgery or for pain-relief)
Napakahirap mabuhay
ngayong panahon na ito, lalo na para sa mga kamag-anak ng mga pasyente na may
Covid 19.
Marahil naiisip nila kung
ano ang masasabi nila na hindi makadadagdag sa pahirap sa pasyente at hindi
magpapadali sa buhay niya.
Mabubuhay pa kaya siya ngayong gabi, o bukas o
sa susunod na mga araw? Baka ito na ang huling pagkikita namin?
Sa pamamagitan ng video
call?
Marahil ang isang bata ay magsasabing:
“Tay, paano na kami? Paano ang pag-aaral namin?"
“Tay, paano na kami? Paano ang pag-aaral namin?"
O kaya ang isang asawa ay
kakausapin ang asawa: "Magkikita rin tayo sa langit."
O isang kabit sasabihan
ang lalaki:
"Nauna ka pa sa akin.
Sana ako na lang.” Pero sa loob niya
nagmumura at sising-sisi.)
Iba-ibang eksena ang naglalaro sa
paghihiwalay ng mga taong naghihirap dahil sa Covid 19.
Pero huwag nating maliitin ang
paghihiwalay.
Sa palagay ko ang mga duktor at nars
matuturuan ang mga kamag-anak kung ano ang nararapat na masasabi sa pasyente na
hindi makakapagpalala sa kalagayan ng kamag-anak.
Ang kulturang Manilenya ay hindi
masyadong nagbibigay halaga sa pagbubukas ng damdamin. Hindi rin napag-uusapan
ang diretso at tahasang paglalabas ng damdamin o nararamdaman.
Lubog ang oras ng mga tao sa
paghahanapbuhay kung kaya’t mahirap magbukas ng damdamin. Pagod na ang katawan
at para mag-usap pa tungkol sa damdamin ay dagdag na pahirap pa.
Kung kaya’t ang pag e
“emote” sa lingwahe ng mga milennials ay hindi importante o puwedeng
ipagpaliban muna. O kaya maituturing na korni.
Ano ang pagbubukas ng
damdamin?
Naalala ko ang dalawang
video na pinakita sa akin ni Angela, ang aking assistant. Dalawang lalaki (sa
magkahiwalay na araw) ay nakaharap sa bangin (valley) at sumisigaw, nagsisisi
sa pakikipagrelasyon.
"U__ na
yo..." ang sabi ng isang lalaki.
Yung dalawa kasi ay napagtaksilan.
Yung isa ay iniwan ng gf at sumama sa isang lalaking may mas magandang
motorsiklo.
Gulat na gulat ako dahil
doon lamang ako nakakita ng mga lalaking humihiyaw dahil sa sama ng loob sa
pag-ibig na nauntol kahit na narerekord sa video ang kanilang pag-iibis ng
damdamin.
Pero wala silang paki. Ang
mahalaga ay makapagbuga sila ng damdamin.
Akala ko, mga babae lang
ang tinatamaan ng paghihiwalayan, kasi madalas nakikita ko yung babae na
umiiyak. Pati pala mga lalaki rin.
Marahil hindi naman talaga pagtataksil ang ginawa ng babae kundi nakakakita lang siya ng kapartner na mas makapagbibigay sa kanya ng mas maalwan na pamumuhay.
Hahaha!
Sa hirap ng buhay ngayon, palagay ko ang pagiging totoo ay isang malaking hamon sa mga mag-partners.
Sa hirap ng buhay ngayon, palagay ko ang pagiging totoo ay isang malaking hamon sa mga mag-partners.
Anyway, nagpakita ang Video
na ang mga kababayan mula sa hilaga, sa Cagayan Valley ay hindi mga "Mario
Claro" kabalintunaan ng Maria Clara
sa kalalakihan. Kahanga-hangang hindi sila nagtatakip ng damdamin.
Sa totoo lang, ang paglalabas ng damdamin ay isang paraan para mabalanse ang ating isipan, ang ating buhay, ayon sa mga sikolohista at guidance counselors.
Sa totoo lang, ang paglalabas ng damdamin ay isang paraan para mabalanse ang ating isipan, ang ating buhay, ayon sa mga sikolohista at guidance counselors.
Maraming aspeto o bahagi
ang pakikipagrelasyon:
Intelektuwal o mental –
Dito ang magpartner ay nag-iisip kung paano nilang haharapin ang mga problema
sa buhay. Sinusuri ang mga problema at naghahanap ng solusyon.
Pisikal- ang magpartner ay
tumutuklas kung silang dalawa ay nagkakaisa sa pagpapasiya ng pagnanasa ng
katawan. Sex, ika nga.
Espirituwal – ang
magpartner ay nagkakaisa sa pagsamba ng Panginoon, o may paggalang sa kaibhan
ng paniniwala.
Emosyonal – ang pagbubukas
ng dalawa sa iba’t ibang damdaming
nadarama – ligaya, saya, galit, selos, suya, inip, at marami pang iba.
May mga magpartner na
magkasama lang sa kama, o kaya nagkakaisa lang sa pagbabasa ng isang libro.
Maaari rin namang nagtutugma sila sa dalawa-pisikal at intelektuwal.
Pero ang kulang ay kung
hindi lumalalim ang partnership, kung walang pagkalinga sa isa’t isa kasi baka
may matagpuang marunong sa bagay na yun.
Maraming pag-aaral sa mga
bagay na ito, kung paanong palalalimin ang isang relasyon.
Sa totoo lang, merong
taong pag nabigyan ng pagkain o pera ay wala ng reklamo. Biro lang, Folks, nais
ko lamang na pagtuunan ng mga duktor at nars na ipaalala sa mga kamag-anak ng
pasyente ang kahalagahan ng madamdaming pakikipag-usap ngayong may banta ng
pagtatapos ng buhay. Kailangang may maganda silang masabing magpapaganda ng
damdamin ng pasyente.
Isang pangungusap na
magpapaunawa at magpapabillib sa kanila na ang kanilang pamumuhay ay naging
mabunga at magpapasalamat sila sa pagiging bahagi ng buhay nila dito sa mundong
ito.
Yun lamang. Pagaanin natin ang mga dagan
ng damdamin ng ating mga pasyente at pasayahin sila kesyo gumaling man sila o
hindi.
At marahil, magpapalalim ito ng relasyon ng pamilya o ng mag-asawa, o magnobyo. Kahit anupaman.
At marahil, magpapalalim ito ng relasyon ng pamilya o ng mag-asawa, o magnobyo. Kahit anupaman.
At sinong makapagsasabing
ang endorphins ng pasyente ay maaaring lumakas at maibuga yung corona virus sa
katawan nila.
*Endorphins ay mga kemikal na inilalabas ng katawan
para gumaan ang sakit, ang presyur (stress and pain.) Parang sila ay opioids,
na nagbibigay ng “high” o euphoria.)
(Endorphins are chemicals
produced by the body to relieve stress and pain. They work similarly to a class
of drugs called opioids. Opioids relieve pain and can produce a feeling of
euphoria. They are sometimes prescribed for short-term use after surgery or for
pain-relief)
PUBLIC HEALTHSERVICES TEAM
Disease Prevention and
Control Bureau
No comments:
Post a Comment