Naputol ang kuwento ko kasi kailangang i-publish ko na yung nauna kong sinulat dahil baka burahin ng mga intel dito sa lugar namin. Ang hirap kayang magmemorize.
Anyway, yung awit na yun, yun bang "I'm not talking about moving in..." gustung gusto ko kasi ayoko ng 24-7 na relasyon. Yun bang paggising mo katabi mo. Kakain ka, katabi mo. Magbibihis ka, nandyan lang siya. Araw-araw? Minu-minuto? Nakakasawa di ba?
At saka vegetarian ako. E baka carnivorous siya. Talagang fresh gulay at prutas na lang ang kinakain ko para lumakas ako. Kung minsan naglalakbay ako ng malayo para marating ang restawran na Greens o kaya Gypsy para makakain ng tunay na lutong vegetarian food.
Siguro tatanungin mo, bakit hindi ko ito sabihin sa kanya. Pero Ate Maya, nahihiya nga ako. Malaki ang agwat ng aming idad, alam ko at baka pagtawanan lang ako ng mga kasama niyang taga media. Alam ko, kasi nagpapatugtog sila ng mga awit na nagpapatungkol sa lukaret o kaya ay crazy for you na lihim na patutsada sa akin kapag nagkokomentaryo ako sa sarili ko ng tungkol sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Tulad ng minsan, narinig ko na binabalita nila na napipigilan daw sa pagbiyahe ang mga trak ng gulay sa mga checkpoints. Nabitawan ko ang mga salitan: "Tongpats" at "Kotong." Kasi may nakausap akong isang drayber tungkol dito noon. Na kaya raw ayaw niya ng biyaheng probinsiya ay dahil sa mga checkpoints na para bang obligado silang magpakain ng mga patrol groups kapag nagpaparinig na "May pang meryenda ba jan?"
Noong sabihin ko yung "Tongpats" at "Kotong" biglang nagpapatugtog na crazy for you nMadonna. Hay naku, Ate Maya alam ko ang tanong mo: Paano mo nalamang patungkol sa iyo ang mga kantang yan? E kasi may hidden camera at microphone dito sa tinitirhan ko.
No comments:
Post a Comment