COVID-19, Hanggang Kailan?
Dapat bang palawigin ang Enhanced (Covid) Community Quarantine o ECQ?
Siyempre pero ako I would prefer na buksan natin yung mga lugar na walang pasyente. Halimbawa, ang Quezon City ng may pinakamaraming Covid patients. I lock down talaga yang syudad kasi kulang sa training ang mga opisyales dito para pigilin ang pagkalat ng virus. Kailangan harapin ng national government ang mga syudad tulad ng QC na bigyan ng mahigpit, malalim at kumprehensibong pag-aaral at pagsasanay kung paanong gagawin ito.
Pero may mga lugar na hindi naman ganun ka grabe ang sitwasyon. Kaya pwedeng pagalain na ang mga tao. Kaya lang dapat fully-geared itong makakati ang paa. Kailangan naka mask, naka boots, at balut na balot ang katawan. At tuwing papasok sa mga malls, kailangan i-disinfect ang bawa't papasok. Tuluy-tuloy ang paggamit ng mask at full gear.
Ipagbawal ang mga bus at taxi na aircon. Kailangan ang mga driver ay hindi umuubo. Minsan sumakay kami ng taksi pero nung magbabayad na kami, biglang umubo ang driver na parang lumalabas ang plema mula sa lalim ng baga hanggang sa bibig. Pagkatapos, binuksan niya ang pintuan niya sa kaliwa at dumura. Nagkalat pa ng virus.
Kaya sa estasyon pa lang ng mga bus at taksi, kailangan piliin yung mga driver at konduktor na hindi umuubo, walang sipon at lagnat.
Ang mga grocery stores o supermarkets dapat magkaroon na lang ng counters. Dito ibibigay ng mga customer ang kanilang orders for goods. Hindi na kailangang pumasok pa para walang hawahan.
Pati ang mga sarisari stores, dapat ay suriin ang mga sales personnel kung malusog ba sila.
Maganda ring gamitin ang mga pamamaraan sa ibang bansa tulad sa isang Asyatikong bansa kung saan, ang lahat ay mayroong celphone at nakabukas ang bluetooth. Para malaman kung saan gumala ang mga pasyente na sinusuri.
Sa South Korea, ang mga larawan sa internet ay magpapakita ng kanilang mahigpit na pag ti-check sa mga chekpoints. Naka full-gear ang mga checkers -- naka facial masks, boots, plastic coats, etcetera. May folder pa sila para ilista kung ano ang kanilang naimbestiga.
At may siyentipikong pananaw sa gawain nila Ano yung siyentipikong pananaw? Detalyado sa pag t-check hindi pahapyaw. Metikuloso, wika nga. Ang dila, ang mukha, etsetera ay sinusuri.
Kaya ang South Korea ay pabalik na sa normal na pamumuhay.
Ang huling suhestiyon ko, magkaroon tayo ng altar sa bawa't tahanan kung saan lahat ay magdadasal na malusaw na ang virus na ito sa buong mundo para makapamuhay na tayo ng matahimik. Noong panahon ng mga indigenous tribes, ang worship ay kolektiba kapag may suliranin. May namumunong babaylana na nagdadasal upang kasihan ang taumbayan at malutas ang problema. Maaari rin nating gawin ito. At ipangako nating hindi na tayo babalik sa mga maling gawain sa pangangalaga ng ating katawan at kapaligiran.
No comments:
Post a Comment