Saturday, April 4, 2020

LOVE IN THE TIME OF COVID 19 - Part 1







LOVE IN THE TIME OF COVID 19

Dear Ate Maya,

Matagal na akong nagkikimkim ng aking nararamdaman para sa isa" ng ng broadcaster. Naririnig ko ang kanyang tinig araw-araw, dahil nagbabalita siya tungkol sa mga kaganapan sa buong paligid at sa buong Pilipinas kasama ang mga correspondents nila na nakatalaga hindi sa iba't ibang probinsiya.

Gusto ko ang pagtatanong niya para lumalim ang pagrereport kung ano ang nangyayari sa ating mga kababayan. Magaling siyang mag probe wika nga para makita ang iba't ibang anggulo ng isang problema, kaso, o subject na tinatalakay ng correspondent.

Minsan ay tumawag ako sa opisina nila pero mali yung numero. Sinubukan kong tingnan sa Facebook kung ano ang phone number ng opisina pero wala namang nakalagay. Pwede lang magsulat sa "reply box" ng kanilang account. Naglagay ako ng komento: sabi ko hindi ko ma-access ang FB page nila kasi naha hack ang aking celphone ng mga intel operatives na nililimitahan ang aking mga nakokontak dahil ayaw nilang maging politically aware ako. Pero wala naman akong natanggap na sagot.

Hirap na hirap na ang kalooban ko, Ate Maya kasi, kapag nakikinig ako at pagkatapos ay susundan ang kanyang pagbabalita ng mga awit na para bang nagsusumamo na sana ay magkita na kami, lalo lamang naninikip ang aking dibdib. Para bang gusto ko nang lumipad sa himpapawid at bisitahin siya sa kanyang radio booth kapag nagrereport.

Alam mo ba yung awit na "I'm not talking about moving in; And I don't wanna change your life; I just wanna see you tonight..." Gustung-gusto ko ang awit na yun kasi bagay talaga sa kalagayan ko o namin.

No comments: