Saturday, April 4, 2020

LOVE IN THE TIME OF COVID 19 - Part 3

Dear Ate Maya,

Naku naputol na naman ang aking pagiibis ng sama ng loob sa iyo. Yung hidden camera at microphone matagal ko nang pilit na winawalis pero di ko makita talaga. Tapos ninakaw pa yung celfone ko na may capability na makakita ng hidden camera. Ni-report ko nga sa Galas Police Station dito sa amin pero wala ring nangyari, pinagtawanan pa ako ng mga pulis. At bumili na lang daw ako ng bago dahil napag-interesan na raw ng kumuha. Sino ang kukuha nuon kung hindi yung nakakakita kung saan ko pinapatong ang aking celfone, di ba? Kasabwat yung janitor dito sa amin. 

Pero alam mo, talagang hiyang-hiya akong isipin na tawagan siya. Kasi tiyak magtatawanan ang mga tao, sa laki ng agwat ng aming idad.

Alam ko na ang mga lalaki ngayon ay mulat na sa mga tinatawag nating "freedom for women" statements pero may iba na nagi is slide back pa rin. Para bang gustung-gustong magtuya ng kababaihan sinusunod lamang ang kanilang puso. Di ba may artista na na - in love sa isang rockbank  musician at pagkatapos ay tinutuya?

Ayokong mangyari yun sa kanya.

Please, Ate Maya, bigyan mo ako ng magandang advice kung paano ang gagawin ko sa nakadagan sa aking puso.

Sumasaiyo,

Eliza ng Airwaves

Dear Eliza,

The proof of the pudding is in the eating, wika nga. Malalaman mo lang ang kasagutan sa mga alalahanin mo kung makausap mo na siya. Unang una isipin mo na may isang kaibigan kong madadagdag sa listahan mo. Pangalawa, kung hindi lumalim ang relasyon ninyo, e ano? Marami ka pang magagawa sa buhay. Ilista mo ang mga kakayahan mo at tumulong ka sa iba. Jan sa mga police precincts maraming presong babae. Mag- donate ka ng malinis na inumin -- yung tunay na mineral water - dahil kailangang kailangan nila.

Magbigay ka rin sa mga foundations para makabili sila ng maraming protective equipment para sa mga frontliners.

Eliza, ang pag-ibig takes time. Learn to love yourself first, know your talents and geniuses; then look at the person from a distance not as a potential lover right away. Kung onminsan kapag nangangarap tayo ng isang relasyon, akala natin yun na. Yun pala hindi pa. Move on, eka nga.

Heto ang isang tula tungkol sa Covid 19 para sa iyo


Kahit masakit, kahit mahirap
Kaya natin ito
Ako'y buhay, 
Ika'y buhay, 
Tayo ay buhay
Tayo, tayo, 
Sama-sama 
Magtutulungan. 
Aleluya, aleluya




No comments: