Friday, March 27, 2020
WHY ARE THEY GOING OUT?
Talagang mahirap patigilin sa bahay ang mga lalaking sanay na labas ng labas at ayaw ng mga gawaing bahay.
Narito ang mga gawaing-bahay para sa mga lalaki:
1. i-chek ang mga kuryente kung lahat ba ay ok at malayo sa pagkasira'
2. turuan ang mga bata ng kanilang assignments, o kaya gumawa ng pa-contest sa pagsagot ng mga puzzles;
3. mag-internet sa loob ng bahay pero 2 oras lang dahil nakakasira ng mata;
4. mag-overseas call at tawagan ang mga kamag-anak sa abroad; kumustahin sila at bigyan ng kalakasan;
5. magtanim sa paligid; kung walang lupa, mangolekta ng mga lata at punuin ito ng lupa at taniman ng mga buto ng prutas o kaya mamitas ng mga halaman na tutubo kapag itinusok lamang sa lupa;
6. Inspeksyonin ang mga damit at baka may mga dapat sulsihin;
7. kausapin ng masinsinan ang mga miyembro ng pamilya kung anong gagawin kung saka-sakaling may magkasakit;
8. alamin ang mga first aid sa mga panahon ng sakuna; ng lindol; ng covid-19;
9. alamin kung saan ang pinakamalapit ng ospital;
10. tawagan ang pari o madre at kausapin kung anong mga dasal ang bagay sa mga panahong ito; kuwentuhan sila ng nangyayari sa inyo;
11. bumili ng maliit na kuwaderno at magsulat ng talambuhay, mula pagkabata at hanggang sa ngayon;
12. magsulat ng tula o dula;
13. mangolekta ng mga recipes na lutuin;
14. bumili ng sketchpad o kaya bond paper at mag-drowing o magpinta;
15. ayusin ang banyo o toilet at baka may sira ang mga tubo;
16. inspeksyunin ang gas stove at baka sumisingaw. Mahirap madale ng sunog. Puwera gaba;
17. sa internet magbasa ng kasaysayan ng Pilipinas at ng ibang bansang paborito niyo, o kaya kung nasaan ang mga kamag-anak ninyo;
18. basahin sa internet ang talmbuhay ng ating mga bayani at mga bayani sa ibang bansa;
Maging mapanlikha sa harap ng nakaka tamad na mga panahong ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment