Tuesday, August 4, 2020

SING A SONG AND HEAL




 

A. ANG DUKTOR NA HINDI DUKTOR

Sing to the tune of BAHAY KUBO

Duque, Duque/

kapit tuko sa puwesto, /

At palaging palpak/

ang kanyang numero/

Ano ang/

pakay mo/

Magkamal ba ng milyon/

 kapal / mo naman/

puwede ba/

magdasal ka na?

 

A.     B. ANG ALENG MATAPOBRE

B.     Sing to the tune of LERON, LERON SINTA  

 Mayrong isang ale/

lumaki sa kayamanan/

ang tingin sa medico/

mga palamunin niya/

Marami ng/namatay/

mga nurses at duktor/

tumutulong sa iba'y/

inaalipusta pa niya.

2. Nasa senado siya/

masuwerteng masuwerte/

 bintog ang bulsa niya/

 pati kamag-anak/

anong tinuturo /

ng ating Senado/

maging lingkod-bayan/

o matapobre ba?

 

 C. DOON PO SA AMIN

Sing to the tune of 

"DOON PO SA AMIN"

Dito sa bayan ko/

may isang bisita

Covid nineteen ang pangalan/

marahas at pumapatay/

 

 Litung lito ang gubyerno/

Paanong dudurugin/

Pinasok si Duque/

Duling namang duktor/

 

 Dumami ang nagkasakit/

Araw-araw may patay/

Hindi, hindi ito grabe/

Kaya daw ni Duque/

 

 Nagising ang medico/

Nagbalak na mag-rally/

Nabigla silang lahat

Kaya MECQ tayo.

 

Mulat na ang bayan

sa ating lipunan

Sagot sa kahirapan

Sama-samang kilos

 

 Pumirma sa petisyon

At sumali sa rally

Huwag kang mag-atubili

Buhay ang kapalit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


No comments: