Wednesday, October 31, 2018

SI NUNAL, ISANG BABAENG NANG-AASAR



May isang babaeng nagtatrabaho sa isang mall, si Nunal.  Mataas ang katungkulan niya at meron siyang sideline: ang mang-asar ng isang mamimili.

Tatabihan niya ito at magkukunwaring interesado sa mamimili yun pala ay aasarin niya -- kakanta siyang ng mga awiting may salitang "lukaret" patama pero disimulado. 

Hindi alam ni Nunal kung bakit ginagawa niya ito. Pero siguro buwisit siya sa buhay niya at kailangan niyang mabago ang mundo niya paminsan-minsan. Pero sinisigurado niyang kikita siya sa ginagawa niya. 

Tuwang-tuwa naman ang kumukuha sa kanyang gawin ang pang-aasar. Nakatayo ito sa hindi kalayuan at tinitingnan ang ginagawa niya. Pagkatapos ay babayaran siya. 

Isang ideya ito para sa isang animasyon. Ipagpapatuloy pa. 

No comments: