Sunday, December 25, 2016

MALIGAYANG PASKO

Magdasal tayo ng matimtim para sa kapayapaan at pagpasok ng higit na malayang mundo sa darating na taon 2017.




Masyadong marami ang nakaupo sa makapangyarihang puwesto na nagbabadya ng isang pagsisikip ng ating makikilusang larangan para sa pagtulong sa higit na nakararami. 

Mag-aral tayong mag-drowing, gumawa ng papet, mag-cartoon, upang maiparating natin sa ating mga kababayan ang ating mga mithiin na hindi na sila kailangan pang mag-isip ng matagal dahil pagod na sila sa kakakayod para mabuhay. 

Humingi tayo ng lakas sa Panginoon at magdasal tayo para mas marami ang mga taong tutulong sa mahihirap ngayon kaysa sa mga nakaraang dantaon.  

Humiling din tayo na wala nang uusbong pang mga diktador at mararahas na lider ng mga bansa sa buong mundo. 

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT. 

No comments: