TO ALL OF MY FRIENDS AND SUPPORTERS, MY NUMBER IN THE BALLOT AS MAYORALTY CANDIDATE FOR QUEZON CITY IS
April27, 2019
Ang malawak na paggamit ng eleksyon para kumita ay talamak na. Isang tricycle driver ang nagsabi sa akin na ang pangulo ng kanilang asosasyon ay tumanggap ng pera para magkabit ng tarpaulin sa kanilang sasakyan. Tanong niya "E hindi ko naman iboboto yan bakit ko ikakabit ang tarpaulin niya?" Kaya wala siyang tarpaulin. At dahil kinokorner din ng pangulong yun ang lahat ng bayad ng kandidato kaya hindi rin ciapumapayag. Dito natin makikita na ang mga opisyales ng organisasyon na dapat ay magtatakda ng mataas na pamantayan ng pamamahala ay nagiging instrumento pa para maging korap ang mga miyembro.
Mga kababayan ko nakikita ba natin ang netork ng korapsyon sa kampanyang ito?
May nakilala naman akong tricycle driver at nagsabi magiikot kami sa ilang komunidad
dito sa QC. Nung sinabi ko ang amount na kaya kong bayaran, nagrekrklamo at dagdagan ko raw.
Alam niyo mga Kababayan ko, tipid talaga ang kandidatura ko dahil noong pagkatapos lang ng Oktubre 15 ng nagsimula akong mangampanya at ang fund raising ay di ko alintana dahil wika ko nga gagamitin ko ang social media. Kaya ko namang pondohan yun mula sa aking maliit na savings. Malakas kasi rin ang aking paniniwala na sa aking pagpapaliwanag. Hindi pala ganun. Pati nga yung bus conductor ay nanghihingi rin ng pera para sa pagbibigay ng flyers sa mga pasahero niya.
Dun ko napagtanto ganun pala ang eleksyon natin isang malaking capitalist enterprise. Hindi puwede ang pag-ibig lamang sa bayan, pag-ibig sa mga nangangailangan.
Pero tuluy tuloy ang pagkakalat ko ng aking mga flyers at pamphlets. Pinapaliwanag ko sa mga nakasalamuha ko ang aking plano. Sa palengke sabi ko palalagyan ko ng "tiles" ang sahig nito para maging maliwanag at mabilis malinis. Lumiliwanag ang mga mukha ng nakakausap ko pero may kaunting bahid ng pag-aalinlangan. Dun ko na dinaragdag na nakita ko ang pagbabago sa Tundo sa loob ng 22 taon na pagsisilbi duon bilang isang litracy volunteer. Nangingiti sila pagkatapos at alam ko alam nila ang burukrasya.
26 April2019
Mahalaga na ang taumbayan ay kilalaning mabuti ang kandidato,upang mapagtanto rin niya kung paano siyang kikilos kung mahalal na sa puwesto. Mahirap yung iboboto natin pero,hindi natin kilala ang mga kasama niya, ang nagawa na niya, ang mga nagawa na ng kanyang mga kasama, kung ano ang kanyang prinsipyo sa buhay, at marami pang iba.Comelec ang dapat manguna sa pagpapakilala sa atin ng mga kandidato. Pero gumawa lamang sila ng mga listahan ng pangalan at bahala na ang Diyos o tadhana kung makikilala ng mga tao ang mga pangalan na nabanggit. Nirireport ang mga pangalan ng mga kandidato para senador at partylist sa radyo oras oras. Ako talaga ay nagtataka. Ganun lang?
Ibig bang sabihin ng Comelec tayo ay magre research pa kung sinu-sino sila? Bibili ba tayo ng maraming dyaryo at magbabakasakaling may nakasulat tungkol dun sa mga kandidatong ito? O kaya ay makikinig ng radyo at manonood ng telebisyon upang makahagilap ng balita o impormasyon tungkol sa kanila?
At kung may pera naman, magbabayad ba siya ng isang researcher upang magsaliksik ng buhay-buhay ng mga kandidato? Aba malaking trabaho yun.
At malaking pera ang kailangan.
Mga Kababayan ko, tulungan nating magisip ang mga taga Comelec. Mukhang naguguluhan na sila kung paanong itataas ang kaalaman at kamalayan ng ang taong bayan tungkol sa intelihenteng pagboto. Ayus-ayusin natin ang kanilang gawain upang masulit naman ang pasuweldo sa kanila.O Diyos Ko! Bakit ganito ang buhay pulitika sa atin?
No comments:
Post a Comment