Saturday, April 6, 2019

BUhay

Anong mga paraan para makilala ang mga kandidato?

Mahalaga na ang taumbayan ay kilalaning mabuti ang kandidato,upang mapagtanto rin niya kung paano siyang kikilos kung mahalal na sa puwesto. Mahirap yung iboboto natin pero,hindi natin kilala ang mga kasama niya, ang nagawa na niya, ang mga nagawa na ng kanyang mga kasama, kung ano ang kanyang prinsipyo sa buhay, at maram pang iba.

Conelec ang dapat manguna sa pagpapakilala sa atin ng mga kandidato. Pero gumawa lamang sila ng mga listahan ng pangqlan at bahala na ang Diyos o tadhana kung makikilala ng mga tao ang mga pangalan na nabamggit. BInabanggit ito sa radyo oras oras. Ako talaga ay nagtataka. Ganin lang?

Ibig bang sabihin ng Comelec tayo ay magre research pa kung sinu-sino sila? Bibili ba tayo ng maraming dyaryo at magbabakasakaling may nakasulat tungkol dun sa kandidatong ito? O kaya ay makikinig ng radyo at manonood ng telebisyon upang makahagilap ng balita o impormasyon tungkolsa kanila?

At kung may pera naman, magbabayad ba siya ng isang researcher upang magsaliksik ng buhay buhay ng mga kandidato? Aba malaking trabaho yun.

At malaking pera ang kailangan.

Mga Kababayan ko, tulungan nating magisip ang mga taga Comelec. Mukhang naguguluhan na sila kung paanong itataas ang kaalaman at kamalayan ng ang taong bayan tungkol sa intelihenteng pagboto. Ayus-ayusin natin ang kanilang gawain upang masulit naman ang pasuweldo sa kanila.O Diyos Ko! Bakit ganito ang buhay pulitika sa atin?

No comments: