Tuesday, April 9, 2019

AYOKO, AYOKO NG YOSI!


Magkakaroon tayo ng mga pag-aaral sa bawa’t distrito kung bakit masama ang yosi sa kalusugan. Napansin ko kasi na marami ang mga umuubo kapag ako ay dumadalaw sa mga komunidad. Kung kaya’t narito ang aking paunang sinulat tungkol dito na batay sa inilabas na dokumento ng World Health Organization (WHO). Ipapalaganap ko ito sa lahat ng mga naninirahan sa Quezon City upang magkaroon tayo ng mga malulusog na mamamayan.

MGA SAKIT DULOT NG YOSI:

PSORIASIS isang sakit ng balat na makati at nagtutubig na mapupulang pekas at lumalabas, kumakalat sa buong katawan. Ang nagyoyosi ay maaaring magka psoriasis.

KATARATA -isang uri nag panlalabo ng mata. Ang nagyoyosi ay maaaring magkasakit sa mata, mabulag o lumala ang mga sakit na ito sa pagdaraan ng panahon. 
                                                           NORMAL NA MATA / MAY KATARATA

1. Iniirita ng usok ng sigarilyo ang mga mata;
2. Pumapasok ang kemikal sa baga at umaakyat sa mga ugat na sumisira sa sirkulasyon ng dugo patungo sa mata;
3. Maaaring magdulot ang panInigarilyo dala ng pagtanda ng macula (macular degeneration) o pagkasira ng pinakagitna ng loob ng mata na tinatawag na macula.
       Ano ang macula? Ito ay bahagi ng mata na mahalaga para tayo'y makapagbasa, makakita habang nagmamaneho ng sasakyan, makakilala ng mga mukha't kulay, at makakita ng maliliit na bagay.

KULUBOT NA BALAT
Dahil sa yosi, ang balat ay maagang nangungulubot kasi nawawala ang protina sa katawan na nagbabanat ng balat. Pinabababa nito ang dami ng bitamina A sa katawan at pinipigilan ang pagdaloy ng dugo patungo sa balat. Dahil dito ang balat ng naninigarilyo ay tuyo at kulubot na napapatanda ng hitsura niya.

PAGKABINGI
Ang nagyoyosi ay maaaring mabingi ng mas maaga kaysa sa mga di
 
humihitit ng sigarilyo. Maaari rin silang magkaroon ng impeksyon sa tenga na magiging dahilan ng pagkabingi o pagkawala o panghihina ng pandinig.

KANSER
Ang kanser ay maaaring tumubo dahil sa 40 kemikal na nakukuha sa usok ng sigarilyo. Ang mga nagyoyosi ay mayroong mas malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga. Ayon sa pananaliksik kung mas matagal nang nagyoyosi, mas mataas ang posibilidad ng pagtubo ng mga bukol o kanser sa iba't ibang parte ng katawan.

IBA'T IBANG URI NG KANSER DAHIL SA PAGYOYOSI
1. Kanser sa baga - ang baga ng namatay na nagyoyosi dahil sa sakit na kanser ay maitim, burak ang kulay dahil sa nikotin;
2. Kanser sa ilong (Nasal at paranasal cavities);
3. Kanser sa bunganga at dila- ang mga nagyoyosi na pinalalambitin ang sigarilyo sa bunganga ay may katiyakang magkakaroon ng kanser sa bunganga at dila;
4. Kanser sa sikmura -tinutubuan ng mga bukol;
;
5. Kanser sa pancreas. Tumutulong ang pancreas o lapay sa pagtunaw ng pagkain);
6. Kanser sa bato (kidney). Tumutulong ang bato sa paglalabas ng mga dumi sa katawan sa pamamagitan ng ihi;
7. Kanser sa suso - hindi makakapagpasususo ang ina na may kanser nito.  

BULOK NA MGA NGIPIN
Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng pagkakaroon ng mga plaque at paninilaw ng mga ngipin. Dahil dito, maaaring mabulok at masira ang mga ngipin.

EMPHYSEMA, CHRONIC BRONCHITIS AT TUBERCULOSIS
Kanser sa baga, emphysema ( pagtutubig ng baga), mabigat na brongkitis, dumudura pa ng malapot na plema. Ang may TB naman ay nangangayayat, dumudura ng dugo kapag grabe na, at hirap na hirap huminga na maaaring magtuloy sa pagkamatay. 

DILAW NA MGA KUKO AT DALIRI
Ang tar sa yosi ay naiipon sa mga dlaliri at kuko nagiging sanhi ng paninilaw.

MABAHONG HININGA
Dulot ng yosi ang mabahong hininga at bunganga kahit na bagong sipilyo ng ngipin. Ang amoy ay galing sa bunganga at baga.

OSTEOPOROSIS
May lumalabas na carbon monoxide mula sa sigarilyo, hindi lamang sa tambutso ng mga sasakyan. Kapag nalanghap ito, naagaw nito ang puwesto ng oxygen sa dugo.Dahil dito mga buto ng naninigarilyo ay humihina, rumurupok at mabagal gumaling. Mas madali ring mabalian at magkaroon ng pananakit ng likod ang nagyoyosi. 


SAKIT SA PUSO
 
Maraming taong namamay dahil sa sakit sa puso. Dahil sa yosi, sa sigarilyo kaya may mga nagkakasakit sa puso. Narito ang mga sintomas:

1. Pagbilis ng tibok ng puso;
2. Mataas na blood pressure (altapresyon);
3. Baradong daluyan ng dugo; baradong mga ugat na nagiging sanhi ng heart attack o stroke;

Ang paglanghap ng usok ng yosi (Second hand smoke) o maamoy lamang ang usok ng yosi (thirdhad smoke) ay puwede ring magdulot ng sakit sa puso.

KANSER SA SERVIX AT PAGKALAGLAG NG BATA
Ang babaeng buntis na nagyoyosi ay maaaring: 
1. magka kanser;
2. magkaproblema sa pagbubuntis o mahirapang manganak;
3. humina ang kapit ng sanggol sa obaryo;
4. biglang mamatay ang sanggol (sudden infant death syndrome);
5. bumaba ang timbang ng bata; 
6. maging masasakitin ang bata, at
7. maagang magmenopause ang babae dahil sa pagbaba ng estrogen sa katawan.

ULSER SA SIKMURA
PInahihina ng yosi ang paglaban ng katawan sa mga mikrobyong pumapasok sa tiyan. Kung kaya't maaaring magka ulcer ang nagyoyosi. Dahil sa yosi, ang tiyan ay nangangasim kahit na kakakain pa lamang. Ang ulcer na dulot ng sigarilyo ay mas mahirap magamot, at mas madaling bumalik kahit na nagamot na kung patuloy ang (secondhand smoke) paninigarilyo. 




No comments: