Budget ang madalas na pinag-aawayan sa pulitika. Sa Lungsod Quezon palaki ng palaki naman ang ating budget.
2015 P9 billion at 832 million.
2016 P11 billion 144 million
2017 P12 billion. 302 million
2018 P19 billion
2019 PHP21,500,000,000,00
Ordinance No. SP 2772, S-2018 - An Ordinance approving the annual budget of the Quezon City government for the calendar year 2019 in amount of twenty one billion five hundred million pesos (PHP21,500,000,000,00) covering the various expenditures for the operation of the City government and appropriating the necessary fund for the purpose.
Makikita natin na palaki ng palaki ang gastos ng local na gubyerno ng Lungsod Quezon.
Ginastos ang pera natin sa pagpapatakbo ng pamahalaan, Pasuweldo sa mga tao, pagmementina ng mga makina at mga pasilidad, atbp.
Tanong: anong pagbabago sa ating buhay ang nangyari sa pagtataas ng budget ng pamahalaan ng Lungsod Quezon?
Ngayon, gusto kong ipakita sa inyo ang hitsura ng mga budget na pinanghahawakan ng mga opisyales natin sa Lungsod Quezon.
Narito ang budget na napunta sa opisina ng Vice Mayor nitong 2018:
1. Healthy Cities Initiative - P7,112,470,00
2. Computerization Unit - MOOE P1,652,000
Property, Plant, Equipment (PPE) P648,000.00
3. Quezon City Performing Arts P4,091,864.00
4. QC Film Development Commission -P25,154,800.00
5. Special Investigative Comttee on Admin Cases vs Bgy Officials - P500,000.00
6. Legislative Investigative Action Group P2,177,700.00
PPE 653,800.00
7. Sports Devt Program P26,864,195.00
PPE 1,839,145.00
Sa mga ilang Councilors naman narito ang mga binigay:
Raquel Malangen P19,000,000.00 (Est total) District 4
Hero Clarence Bautista - P20,000,000.00 (Est total) D4
Marvin DC Rillo - P19,000,000.00 (Est total) D4
Irene Belmonte -P 19,000,000.00 (Est total) D4
Ma. Aurora C. Suntay - P19,000,000.00 (Est total) D4
Xenia Lagman - P19,000.000 (Est total) D4
Jose A. Visaya- P15,000,000.00 (Est total) D5
Julienne Medalla - P19,000,000.00 (Est total) D5
Godofredo Liban II -P19,500,000 (Est total) D5
Elizabeth Delarmente -P19,500,000.00 (Est total) D1
Oliviere T Belmonte - P19,400,000.00 (Est total) D 1
Lena Mari Juico -P19,400,000.00 (Est total) District 1
Anthony Crisologo -P19,500,000.00 (Est total) District 1
Alexis P. Herrera -P19,500,000.00 (Est total) D1
Victor V. Ferrer P19,500,000.00 (Est total) D1
Roderick M. Paulate - P19,500,000.00 (Est total) D2
Matapos maibigay ang mga pondo sa kanila, ipapatupad na ang mg a projects. Kailangan i-monitor o susundan kung tama ba ang pagkakagasta ng budget. At pagkatapos ay tatasahin o daraan sa evaluation ang pagkakagastos ng pera at kung ito ba ay tamang nagasta sa tamang proyekto.
Subali't sa 2018 COA Report may mga nangyari na hindi maganda. Narito ang ilang inilabas ng |COA:
1. Ang pera para sa Gender and Development, ang nangangalaga ng kalagayan ng mga bata at kababaihan, mayroong 14% na hindi paggamit ng pera na budget na P886,000,0000.00. Maraming dahilan ang binigay;
2. Samantala 52% ng 7,184 na pabahay na dapat ay naitayo ay hindi rin nagawa.
3. Nalaman din ng COA na walang record ng kolecsyon sa mga Tollway Operators, Concessionaires, Owners, Principal o Sub Contractors sa lahat ng tollways at railways mass transit system. Dapat kasi magbayad ang mga business na ito ng 50% ng 1 % ng kanilang kinikita ang mga Tollway operators, samantalang yung iba ay 62.7% ng 1% ng lahat ng kanilang kinita ang mga dapat ibigay sa gubyerno.
Halimbawa, kung kumita ang mga Tollway operators ng 100,000,000, dapat sa 1% nito o P1,000,000 .00 kakaltasin ang kalahati, o magiging P500,000.00 na siyang ibibigay sa gubyerno.
Hindi ito natanggap ng gubyerno. Walang binigay na kaltas ang mga kumpanya ng Tollway operators.
Ano ang nararapat na pagtrato sa budget?
1. Kailangan buwan-buwan ililista ng mga tumatanggap ng budget sa gubyerno ang nagastos nila. Ang tawag dito ay liquidation.
2. Nililista kung saan-saan napunta ang pera,
3, Kung kanino,
4. Magkano, at
5. Kkung may natitira ay ibalik sa gubyerno pagkatapos ng taon.
Pagkatapos, ipapaskel ito sa bulletin board ng bawa't opisina. Ang tawag dito ay TRANSPARENCY - nakikita ang pinagkagastusan ng lahat ng tao. Hindi sinisilip, nakaladlad ang pinaglagyan ng pera ng bayan na nakukuha sa pagbubuwis.
Para sa maayos na pamamahala, tapat at walang bahid ng pag-aalinlangan.
Kung may katanungan kayo sa mga inilabas nating datos, paki email sa miravera2010@gmail.com care of Orozco Emma