Kapag nanonood tayo ng pelikula, nakakakita tayo ng mga
kontrabida. Kadalasan, masyadong palasak ang mga hitsura nila -- may bigote, madili ang mukha, Singkit (isang stereotipikong pananaw ng mga Intsik beilang kontra buhay natin, at saka walang matinong gawain kundi ang manira ng buhay ng bida.
Sa tunay na buhay, may mga kontrabida sa paligid natin. Ang naiisip ko sa ngayon ay ang mga humahawak ng ating ekonomiya. Bakit kaya sila ganun?Gustung-gusto nilang magkaroon ng mga buwis na tunay na nagpapahirap sa ating bayan. Sa mga nagtataas na bilihin wala namn silang masabi. Kahit na bumababa na ang presyo ng gasolina, sabi nga noong isang maybahay ay hindi naman bumababa rin ang mga bilihin.
Sa katunayan, tuwing mag go grocery ako, hindi bababa sa 800 daan ang nagagasta ko samantalang noong isang taon hanggang 500 lamang. At ang mga pinamimili ko ay para sa pagkain ko sa bahay at gamot na mga bitamina at mineral.
Dapat nating itaas ang siyentipikong pananaw ng ating mga kababayan upang hindi tayo nabubulag sa mga patakarang ikinakalat sa atin. Kailangang matuto tayong magsuri ng mga bagay-bagay sa isang sistematikong paraan para hindi tayo napapariwara.
Monday, December 3, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment