Wednesday, December 26, 2018

KRISTO, ANAK NG KARPINTERO




Mga Kababayan Ko,

Ang kahulugan ng Pasko ay napakahalaga sapagka't si Hesus, na tinitingala ng maraming tao na tagapagligtas ng sangkatauhan ay galing sa mahirap at may ama na isang manggagawa, isang karpintero, si Joseph. (Kaunti ang nalalaman nating talambuhay ni Marya, ang kanyang ina liban sa pagkuha sa kanya para magdala kay Hesus sa kanyang sinapupunan.)

Pati ang mga aral at pagtulong ni Hesus ay patungkol sa pagmamahal sa mga nangangailangan - maysakit, pulubi, mga nagugutom, mga iniiwasang makasalamuha, mga may kapansanan, noong panahon niya.  Itinaas niya ang moralidad ng mga tao noon at nagbigay siya ng pag-asa sa lahat sa kanyang kapanganakan, mula sa mga nagpapastol ng tupa noong naipanganak siya hanggang sa siya ay mamatay kasabay sa ibang dalawang krus ang mga magnanakaw. Yung isang magnanakaw ay nagsabi pa sa kanya: "Panginoon, kung maaari, isama nyo ako sa inyong pupuntahan." Sinagot siya ni Hesus ng:
"Ngayon din, isasama kita sa paraiso."

Sana ay tuluyan natin itong maaalala sa araw-araw hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan.  



Painted ceramic Nativity by Josefina Aguilar, Octolán de Morelas, Oaxaca, Mexico, circa

No comments: