Isang ina ang biglang pumasok sa internet shop dito at hinanap ang kanyang teenager na anak. Biglang tumayo ang anak niya na nasa isang sulok at nagko-cmputer. Nanlilisik ang mga mata ng ina: "Magkano ang kinuha mo sa kahon?" tinanong niya habang sila ay papalabas.
Kapag napunta kayo sa karamihang shops dito, mapapansin ninyo na ang age-bracket ay nasa pagitan ng 7 at 25. At ang karamihan din sa kanila ay nakaharap sa war games sa computers.
Ang Hedonismo
Ang ating kabataan ay nadadala sa larangan ng Hedonismo.
Napag-aaralan ba natin ang salitang Hedonismo? Ano ba ito?
Ito ang pag-iisip na ang pagkamit at pagmithi sa kasayahan at mga kasangkapan ang siyang pinakamahalagang makakamit natin sa ating buhay na pagkatao.
Habol ng hedonista ang magkaroon ng maraming kasayahan, walang sakit, walang nararamdamang negativo.
Iniisip ng mga hedonista na walang balakid kaninuman na matamo ang pinakamasarap na kasayahan, kaligayahan. .
Galing ang Hedonismo sa mga Griyego
Sa Pilipino, ang hedonismo ay nakatuon sa pagkamit ng:
kaligayahan; kalayawan; naliligaya; kasayahan; lugod; kasiya; pagkalugod; nasasayahan; kaluguran; ng kalayawan; sa kalayawan; tuwa; kalooban; kaaliwan; kinaluluguran; nalulugod; nais; nagagalak; kalooban ng; siya; bagay; na siya.
Mukhang ang kabataan ngayon ay nalululong sa bayolenteng mga laro na nagbibigay sa kanila ng maling kaligayahan -- ito ang mga computer games. Nauubos nila ang 30 minutos hanggang 12 oras (ayon sa isang computer receptionist) nakatuon lamang sa harap ng computer.
Mabuti ba ito sa paghutok ng kanilang utak para maging marunong at makaharap sa kanilang mga pag-aaral sa eskuwelahan?
Kinakailangan ang regulasyon ng paglalaro ng mga bayolenteng computer games sa mga kiosks. Hindi puwedeng hayaan lamang ang mga bata sa kanilang gusto sapagka't hindi pa sila nakakahubog ng mga pamantayan sa kung ano ang mga recreation na makabubuti sa kanila.
At ang Hedonismo ay kinakailangang masidhing pag-aralan ang epekto nito sa isang tao. Sa kalakaran dinadala nito ang tao sa isang patakas na buhay -- tumatakas sa hirap na sitwasyon na nagtutulak din sa kanya para gumamit ng droga.
Panahon na para harapin ito ng DILG AT DEP ED. HELP!
Ang mga batang ito ang magiging pinuno ng ating bansa sa darating na mga panahon. Tayong mga seniors ngayon ang magiging praktisan nila sa isang hilaw na pananaw at edukasyon kung ano ang tunay na mabuti, makatao at maka Diyos na pamumuhay.
No comments:
Post a Comment