- GAWING MAKABULUHAN ANG A-13 MAYO 2019
Mga Kabaro sa Kilusang Pangkababaihan:
Ang bayan natin ay nakararanas ng pakikipagtunggali ng ating mga prinsipyo na :Kapantayan, Kaunlaran at Kapayapaan. Ang Kapantayan ay hindi naisasakatuparan at makikita ito sa mga estadistika tungkol sa karahasan. Sa Lungsod Quezon, ito ay may mataas na bilang na karahasan sa kababaihan, pati na sa kabataan.
Kung kaya't lalo tayong dapat na maging aktibo dahil kailangang maprotektahan ang buhay ng Kababaihan dahil tayo ang nagdadala ng lahi. Walang batang mabubuhay kung wala ang babae. Ang semen ng lalaki ay maaaring ilagay sa bangko ng mga semilya at kunin ito. Hindi ito magbubunga kung hindi sasanib sa katawan ng babae. Kung kaya't mahalaga ang katawan ng babae. Ang obaryo ng babae ang nagdadala ng sanggol na siyang magpapatuloy ng lahi sa mundo, hindi lamang sa ating bansa.
Sinisigurado ko na kung ako ay maluluklok sa Quezon City Hall magtatayo ako ng pananaliksik at pagsasanay para sa Kapantayan, Kaunlaran at Kapayapaan kung saan bibigyan ng kasanayan ang mga pamilya, ang mag-asawa kung paanong pananatilihin ang mga prinsipyong ito sa tahanan. Para matigil ang karahasan, tuturuan din ang bawa't isa kung paanong mag-negotiate, may-usap para mararating
mapayapang kongklusyon o pagtatapos ng away.
Ang Gender and Development Unit ay magkakaroon ng aktibong counterparts sa bawa't barangay. Palalakasin natin ito sa pamamagitan ng pag-imprenta ng mga literacy manuals sa Pilipino at Bisaya para maintindihan ng mga nasa komunidad na nagdarahop.
Magkakaroon tayo ng mga polisia, programa at proyekto na manggagaling sa mga grupong ito ng kababaihan. Popondohan ng City Hall ang mga proyektong may maraming makikinabang at makakatulong sa higit na nakararami.
Nais kong sa bawa't komunidad magkaroon ng magandang pagsasama, ang kalalakihan tumatayong mapagkalingang ama sa mga pangangailangan ng lahat - pisikal at emosyonal; na ang mga babae ay nakikibahagi ng kanilang talino at kasanayan para makatulong sa pangkabuhayan; at ang lahat ng miyembro ay magkakaroon ng mapagkalingang pagtanaw sa buong pamayanan din.
Maraming salamat sa ating mayabong na pagsasama sa loob at labas ng mga organisasyon natin, sa loob at labas ng mga akademya at sa mga lahat ng pagkakataon.
OROzco EMMA (Wilhelmina S. Orozco)
Dear Friends in the women's movement
our country is experiencing an upheaval of our principles - equality, development and peace. Equality is still an elusive goal as the statistics on violence shows. in Quezon City this is particularly acute - as many lowly educated sectors reside here.
yet we must vigilant because we need to protect and preserve the lives of women as we are the carriers of the race. No child will be born without the woman. The woman's womb is very important and invaluable in insuring that our race continues.
I vow to put up a research and training unit in every barangay so that we shall have constant, relevant and honest updates on the status of every woman,girl child and woman elderly in third world communties.
by having these data, the policies, programs and projects that we will propose and approve shall be correct and based on the their actual situation.
should you have additional comments i will be very glad to hear or read them and act accordingly.
i wish that every family in the community will have a harmonious relationship, the man paternalistic taking care of the physical and emotional needs of the family and the woman contributing her talents and skills not only in building a home but also in making every member of the family happy and also feeling as one with the community.
Thank you very much for the camaraderie we share.
GAWING MAKABULUHAN ANG A-19 MAYO 2019
PROGRAMA: TRABAHO
Mahal kong mga Kababayang Manggagawa:
Mabuhay kayo
Matagal
na akong nagsusuri at nagsusulat tungkol
sa larangang paggawa. May sinulat ako at ginawang pelikula tungkol sa mga
nagtatrabaho sa niyugan. Ang titulo ay: COCONUT, OUR CROP IN THE PHILIPPINES,
THEIR FOOD OVERSEAS. Tinalakay nito ang
buhay ng mga manggagawa sa nyugan mula sa bukid, hanggang sa desiccated coconut
factories – Red V, Peter Paul, at Franklin Baker .
Mayroon din akong sinulat tungkol sa mga OFW sa Europa dahil
noong 1981 ay napalad akong naimbitang magpalabas ng pelikula sa Olanda. Mula
roon ay naglibot ako sa Europa – sa Londres, Paris, Roma, at Brussels kung saan
nakita ko ang malulungkot na sitwasyon ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa
mga larangang mababa kaysa sa mga nationals doon. Nakagawa ako ng dalawang pelikula dahil sa
aking mga karanasan: una, For the Next Guest – tungkol sa isang Filipina
chambermaid; Through the Four Seasons, buhay ng isang Filipina nursing aide sa
London. At naisulat ko rin ang trabaho nila saaking aklat: Filipino Women in the World of Work.
Noong 1990’s nanaliksik naman ako ng buhay ng mga manggagawa
at lumabas ito bilang Unearthing Philippine Realities of Workers.
Nakasulat din ako tungikol sa buhay ng mga Sakada sa Negros
occidental noon 1990’s at inilabas ito ng Depthnews Asia – kinalat sa mga
diyaryo sa buong Asya.
Ang paglahok ko sa pulitika ay dulot ng aking pananaliksik
at pagsusulat sa diyaryo .
Ngayon gusto ko nang direktang buhayin ang aking mga
inaasam para sa ating mga kababayan dito sa Quezon City.
Marami akong plano
para sa mga manggagawa dito sa syudad.
1. 1. Mababang halaga ng pagkain;
2.
2, Food banks para sa mga kapos sa pagkain;
3. 3. Pagtatayo ng job units sa bawa’t barangay:
ise-survey ang kakayahan ng bawa’t kababayan sa bawa’t barangay; maghahanap ng
trabaho para sa bawa’t manggagawa;
4.
Unemployment benefits para sa mga nawalan ng
trabaho sa loob ng 6 buwan;
5.
4. Palalakasin ang daycare services sa bawa’t
barangay para ang mga magulang ay may mapaglalagakan ng matino at tapat na naninilbihang social workers;
Kung may mga ideya kayo kung paano
nating pagagandahin ang sitwasyon ng ating mga manggagawa dito sa Lungsod.
Magbubukas ang tanggapan ng Alkalde ng isang araw kada linggo para asikasuhin
ang mga reklamo nila. Magtatakda ako ng isang araw bawat linggo para magkaroon ng talakayan tungkol sa buhay ng mga manggagawa, kasama ang mga asosasyon, unyon at NGO na tumutulong sa mga manggagawa.
Sana ay magkatulungan tayo at sisiguraduhin ko
ang tunay na pagbabago ng buhay ng mga manggagawa sa ating Lungsod Quezon.
OROzco EMMA (Wilhelmina S. Orozco)
KAY OROzco EMMA WALANG IWANAN, PAGBABAGO AY SIGURADO