Sunday, July 24, 2011

MGA HAMON KAY PNOY

Palalakasin mo ba ang kilusang pangkooperatiba lalo na sa transport sector, ang pag kokoop ng MRT at LRT sa halip na pribatisasyon? Ang pagtanggal ng mga taxes sa mga sasakyang nagdadala ng pagkain sa Maynila? Ang liberal na pagbibigay ng mga pondong pangnegosyo para sa mga kababaihang nais mamuhunan? Ang pagkakaroon ng hiwalay na women's funds sa Arts and Culture sa lahat ng mga ahensiyang namamahagi ng pondo para sa mga artistic activities?

At libreng pamasahe sa mga estudyanteng pampubliko sa lahat ng sasakyan bus at jeep, at libreng pagkain o lunch, at libreng mga materyales sa mga proyekto?

Magtatayo ka ba ng riles ng tren na magkakabit ng lahat ng mga isla ng Pilipinas?

Patitigilin mo na ba ang PNP Intel group sa pagharass sa akin sa aming subdibisyon?

Maraming marami pang ideyang dapat ilagay subali't ang mga ito ang pinakamahalaga sa akin.

Sana ay mabigyan mo ng pansin ang mga nabanggit na isyu.

Mabuhay ka!

Wilhelmina

No comments: