Saturday, September 12, 2020

ANGKING KABUTIHAN

 




LINGGO NA NAMAN BUKAS. Ang hirap, sari-saring pastor ang naririnig ko sa radyo. pero sa lahat ng ayaw ko na sermon ay yung nagmamagaling na pastor na akala mo nabasbasan na siya ni Kristo para magsalita sa publiko. Sa Ingles:"holier than thou" ang dating. 

Itong pastor na ito, na banyaga pa man din, ay mahilig magsalita sa radyo na kailangan daw ay malinis ang tao pagharap kay Kristo? Ganun? Sino ang nagsabi sa kanya?

Binabaligtad niya ang sinasabi ni Kristo sa bibliya. Di ba sabi ni Kristo, "come to me all you who labor and I will give you rest?" So kahit  na sino, naniniwala o hindi, pwedeng lumapit sa kanya at magpahinga. Ganun ang pagmamahal ng isang Diyos, hindi nagtatangi. 

Aba'y pakisampal nyo nga ang pastor na yan at nakakahiya ang mga pinagsasasabi sa ere. Duhagi na nga ang bansa natin. At maaaring may nakapagnanakaw dahil nagugutom tapos sasabihin niya, bago tayo humarap kay Kristo kailangan ay malinis tayo. Nauulol na ba siya? 

Sorry, Folks, but I revere the radio and the pulpit. Whatever is mentioned there has to be for humanity's sake. Not for the self-aggrandizement of anyone.  May nireklamo nga akong isang pastor na, isang linggo,  sa halip na magsalita tungkol sa mensahe ni Kristo, aba, nagmalaki tungkol sa nagawa niya sa isang religious conference sa ibang bansa. Naku po isinumbong ko tulloy sa isang elderly at napalitan na po.

Maging mapanuri tayo ng mga umaakyat sa pulpito para magsasallita tungkol sa kung ano ang kahihinatnan natin kapag tayo ay namumuhay, o mamamatay na. Huwag tayong umasa sa iba para ituwid ang ating buhay, Unang una na lumapit tayo sa ating Panginoon, kahit na anong pananampalataya, kausapin siya at idulog ang ating mga suliranin sa pamumuhay. Kung may pagkakamali tayo, sabihin din natin at mataimtim na magdasal na aayusin a ang pamumuhay natin. 

Hindi ako pastora. Isa lamang nananampalataya at naniniwala na ang sangkatauhan ay may angkin na kabutihan. 

No comments: