Ano ang mga hinihiling
ng mga bata kay Santa Claus pag dumarating na ang Pasko? Tinanong ko ang mga
bata Smokey Mountain, Tondo, Maynila at narito ang kanilang mga sagot:
Marjorie de la Cruz,
11: Gusto ko po ay bagong damit at sapatos at bagong notebook. Yon lang po…at
sana ay tuluytuloy ang pagbibigay ng regalo sa aming mga bata at matatanda. Yon
lamang po ang aking mahihiling….
Princess Guerrero,
10: Nais ko po ay may pagsasaluhan kami
sa darating na Bagong Taon.
Prince G. Patalin
4: Gu(s)to ko po ng maraming Pira at mga laruan
Paulene Castillo: Ang
aking kahilingan ko, Sta. Claus ay bigyan ako ng regalo na Barbie
Prince T. Patulin 4: Gusto kop o ng maraming pira at laruan
No name: (Gust) ko
magkaron ng Bahay at ____ Pamilia ko at magkaron ng (bisikleta)
Jorieje T. Patulin:
Gusto ko po magkaroon ng Laptop.
Jasmin Anano 7: Nagpasalamat si Jasmin pero walang binanggit
na regalo kundi para lamang sa mga
natanggap niya noong araw na yoon.
Justin Angeles 9: Santa, gusto ko magkaroon ng maraming pera para makabili ng malaking bahay….
Mark Paolo F. Perez
2: Sana magkaroon laruan ako….
Nicole E. Lamoste
10: Kami po ay humihingi ng konting tulong sa inyo… ano man ang tulong na
ibibigay mo sa amin, kami po ay nagpapasalamat.
Chemerlyn Cuaicong: Grade VI, Ang gusto ko po ay laptop para po kapag may homework po ako ay
titingnan ko na lang po sa laptop.
Mar Jun A. Sabusap
12: ...Mga bagong laruan…magagandang damit…bagong sapatos, kumot, bigas, delata ,
unan, kama, s(i)nelas, bag, (note)book, ball p(e)n, crayon, papel at unipo(rme)
at sando
Shine Cuaicong 8: Ang
gusto kong hilingin ay Ipad…
Mapapansin na sa mga
paghiling ng mga bata, parating may pasasalamat. At nakakagulat ang kanilang
mga hinihiling, hindi lamang laruan, mga gamit sa eskuwela, kundi pera, bahay
at laptop.
Sa mga tumutulong na NGO, kapag lumapit sa mga bata at sila ay pasusulatin,
mapapansin na pasasalihin ng mga magulang ang mga batang hindi pa marunong sumulat . Okey lang yun basta ang hihilingin ay galing talaga sa mga bata.
Pangalawa, sa mga batang hindi marunong sumulat, maaari rin namang tulungan silang humawak ng bolpen o lapis.
Pangatlo, huwag kalilimutan na unang isusulat ang pangalan at pangalawa ang idad. Mahalaga ang idad para malaman natin ang uri ng mga hinihiling ng mga bata, kung nag-iiba ba kung lumalaki na sila.
Pang-apat, ikuwento kung saan nanggaling si Santa Claus, ano ang kasaysayan niya. Puwede kayong mag search sa internet tungkol dito.
Pang-apat, ikuwento kung saan nanggaling si Santa Claus, ano ang kasaysayan niya. Puwede kayong mag search sa internet tungkol dito.
Pang-lima, kung may pera ang NGO, pakainin ang mga bata at pakantahin o hilingan silang magpakitang gilas upang matuto silang humarap sa publiko at magpakita ng kanilang mga kakayahan.
Ginanap ito noong
Disyembre 2012. Ilang araw pa, isinama ko ang mga bata sa Museo Pambata para
makatanggap ng mga regalong pagkain, laruan at iba pa sa tulong ni Nina
Lim-Yuson, Pangulo at Chairwoman ng
Museo. Babalikan ko sila ngayong
Nobyembre para malaman kung ano naman ang mga hihilinging ng mga bata, 10 taon at
pababa na mga taga Smokey Mountain.
No comments:
Post a Comment