Wednesday, July 10, 2019

HANGGANG SA HULING HIBLA NG ATING HININGA





Napakadaling tumayong Diyos sa ngayong panahon. May mga tao magaling umarte bilang Diyos, kahit na magmukha silang hindi kanaisnais na tao.

Sa isang bansa, kung saan arawaraw may nakikita, naririnig, nababasang patayan o pinapatay o namamatay, e anomba ang isa pang papatayin sa pamamagitan ng silya elektrika o iniksyong may panglason sa katawan? Balewala hindi ba? Kaya lang dun sa mga pinapatay ng estado, sa Bilibid Prison, dehins makakatakas ang preso, - babantayan siya, tititigan, at baka tumakas siya at titiyakin na dedbol siya pagkatapos itaas ang elektrisidad sa inuupuan niya o kaya matapos siyang maturukan. At kung mabuhay pa rin siya, uulitin ang mga paraan ng pagpatay. May duktor na tiringnan kung humihinga o tumitubok pa ang kanyang puso. At kung tiyak na tiyak ng wala na ang kalukuwa niya sa mundong ito, kundi ang katawang kupa na lamang na hindi gumagalaw, tagumpay ang pagpatay sa kanya. Ganun ba ang gusto nila?

Akala ko matapos ang People Power Movement natin, naitakda, at naparating na natin sa lahat ang kahalagahan ng buhay. Pero hindi, May mga senador pa rin, bagito, na gustong ibalik ang State Terroris, tanggalin lahat ng balakid at siburaduhing may mga preso na hindi na makikita man lamang ang kanilang katandaan.

Gusto ba nilang maging Diyos, tawagin silang Diyos! magmukhang Diyos, umastang Diyos na makapangyarihan sa lahat? Sa panahon ngayon, kung saan narito na ang New Age, isang kilusang naglalaying pahalagahan ang lahat ng may buhay, nabibuhay, insekto, halaman, ouno o tao man, may mga sektor na gusto tayong ibalik sa panahon ng Inquisition.

Palagay ko bawat tao ay may natitira pang onsa ng pagpapakumbaba at sasabihing " Ako ay tao lamang at maaaaring magkamali o may pagkakamali. Sana ay patawarin nyo ako." Masarap pakinggan ang mga salita ng tunay na nagtitika. Pero may mga plunderers ni hindi nagtika, nakawala sa kamay ng batas. Ang Diyos ay parating patatawarin ang lahat ng mga nagkasala, magsisi man o hindi. Yung mga ayaw magsisisi, ipagdadasal sila ng mga relihyoso para magbago.

Kung kaya't para sa mga bagitong senador, tanong namin, kung anak nyong lalaki. babae, tomboy o bakla, matanda o bata ang tuturukan ng lethal injection, o pauupuin sa silya elektrika, papayag ba kayo?

Ito ang pinupunto ng ibig sabihin ng Pamamahala o Governance. Ang taumbayang Pilipino at Pilipina ay bumoto ng mga tao na may katawang lupa at hindi yung mga taong gustong mag-ala Panginoon.

Alam natin na ang mundo ay tahanan ng mga taong humihinga,kumikilos, nag-iisip, nakakaramdam, at ang Panginoon ay naririto sa paligid natin,misang Espirito upang iparamdam sa atin ang kahalagahan ng kanyang mga tinuturo kung ano ang makatao,at maka Diyos na pamumuhay.

Kaya't kahit na anupamang relihyon ang yakap ng bawa't isa sa atin, parepareho ang Diyos natin. Iisa lamng. Diyos lamang ang maaaring magbigay at pumutol ng hibla ng ating hininga. Alay ng Diyos sa atin ang ating buhay at siya rin ang may kapangyarihang bawiin ito.
.

No comments: