Wednesday, January 9, 2019

PROGRAMA: MASAYANG KABATAAN



Ang kabataan ay isang pangyayari na mababalikbalikan lamang sa alaala. Pahalagahan natin ito at kalingain ang kamuraan ng isip at katawan ng mga bata. Ilayo sila sa mga tao at pangyayari na magdudulot sa kanila ng di kaaya-ayang karanasan sa paglaki sa buhay. Kung kaya;t sa aking administrasyon: 

A. SIsinupin ang estatistika kung ilan ang kabataan sa Quezon City. Magkakaroon ng kategorya: idad 

1.     a.0 to 3 years old    
2.     4 to 6 years old
3.     7 to 11 yeRs old
4.     12 to 17 years old

 Ang kategoryang ito ay maaaring magbago. Nais nating magkaroon ng angkop na proyekto para sa kabataan batay sa idad at pagkahiyang nila. Habang lumalaki ang mga bata ay nag-iiba ang nais nilang laro. Nag-iiba rin ang kanilang pag-iisip kung ano ang pagmamahal sa magulang o sa pamilya.
Kailangan nakaagapay ang barangay sa nagbabagong buhay ng kabataan;

B. Kukuha ang City Hall ng mga psycholgists na magbibigay ng training sa mga magulang kung paanong itatrato ang kabataan sa bawat barangay;

C. Ang mga mag-aaral ay aayudahan sa pagdadala ng mga bag sa eskuwela at pag-uwi nito. Magkakaroon tayo ng shuttle jeeps para sunduin at ihatid sila sa eskuwelahan;

D. Magkakaroon tayo ng mga contests at kompetisyon para mahasa ang mga batang humarap sa mga hamon ng buhay. Sa ganitong kalakaran, matututo silang pahalagahan ang mga aktibidades na nagtuturo ng kahalagahan ng kanilang talino at ng buhay. Matututo rin silang makipagtrato ng maayos sa kapwa sa ilalim ng kumpetisyon. Matututo rin sila na ang sports ay nililinang ang katawan upang maging malusog at upang tumingkad ang kanilang dangal sa pakikipaglaro;

e. Ipatutupad ang pagkakaroon ng parke sa bawat barangay at playground para sa mga bata. Maglalagay ng tanod para siguruhing malayo sa panganib ang mga bata;

f. Sisiguraduhing ang mga bata ay nakatatanggap ng mga bitamina at mineral na kailanagan sa kanilang paglaki;

g. Aalamin parati kung ano ang klase ng mga laro na ginagawa nila: kung ito ba ay nakapagpapa-angat ng kanilang kaalaman, at hindi sumisira ng kanilang mabuti at positibong pananaw sa buhay;

H. Magkakaroon ng 1 on 1 na pakikipag-usap ang mga magulang, mga guro, at sikolohista sa mga batang mahirap disiplinahin sa bawa't barangay. Aalamin ito ng mga purok leaders.   

Ang batang may masayang kabataan ay lalaking may positibong pananaw sa buhay at pagmamahal sa ibang kabataan. 

No comments: