Saturday, January 5, 2019

GAWING MAKABULUHAN ANG A-19 NG MAYO 2019: PROJECT TAMBULI

GAWING MAKABULUHAN ANG A-19 NG MAYO 2019

PROGRAMA: PROJECT TAMBULI




PROJECT TAMBULI 




Ang salitang Tambuli ay patungkol sa isang trompeta na tumatawag sa mga tao para magkumpul-kumpol at mag-usap. Sa mga tribo natin, ang tambuli ay hango sa sungay ng kalabaw. Ang iba naman ay ang malaking shell galing sa dagat.

Bakit tayo magkakaroon ng Project Tambuli?

Rason: karamihan sa mga kababayan natin ay walang alam kung ano ang ginagawa ng City Hall. Ang Project Tambuli ang sagot natin

Para sa Implementasyon nito: Maglalagay tayo ng CITY HALL BALITA BOARD sa bawat komunidad - sa mga barangay, sa gym, sa simbahan, sa palengke, sa ground floors ng condominiums, eskuwelahan, tambayan, estasyon ng bus at jeep at kung saan maraming kumpulan ng mga tao.  Tambuli Mayor ang pinakapinuno rito. 

Malalaman dito kung anu-anong serbisyo, available fiinancial loans, training, personnel na kailangan, report ng Mayor ng City Hall, mga tagumpay ng ating mga kababayan, at marami pang iba. .

Magtatakda tayo ng Tambuli Partner sa bawat barangay na magsusulat at magpapaskel ng mga balita galing sa barangay. 

Lahat ng Tambuli Partner ay magmimiting kada distrito sa pangkalahatan sa ilalim ng Tambuli Mayor para magplano at magkaroon ng pagsasanay; ito ay para rin magkaroon ng standards o pamantayan kung anu-anong  mga balita ang mahahalagang isusulat at maikakalat. Magsusuri rin ang grupo kung ano ang response ng taumbayan sa bawa’t issuance.  

Ang lakas ng pamayanan, ng isang komunidad, ng isang barangay ay nakasalalay sa maigting na paguugnayan ng lahat. 




OROzco EMMA

No comments: