GAWING
MAKABULUHAN ANG A-13 MAYO 2019
PROGRAMA: TRABAHO
PROGRAMA: TRABAHO
Mahal kong mga Kababayang Manggagawa:
Mabuhay kayo!
Matagal na akong
nagsusuri at nagsusulat tungkol sa larangang paggawa. May sinulat ako at
ginawang pelikula tungkol sa mga nagtatrabaho sa niyugan. Ang titulo ay:
COCONUT, OUR CROP IN THE PHILIPPINES, THEIR FOOD OVERSEAS. Tinalakay nito
ang buhay ng mga manggagawa sa nyugan mula sa bukid, hanggang sa desiccated
coconut factories – Red V, Peter Paul, at Franklin Baker .
Mayroon din akong sinulat tungkol sa mga OFW
sa Europa dahil noong 1981 ay napalad akong naimbitang magpalabas ng pelikula
sa Olanda. Mula roon ay naglibot ako sa Europa – sa Londres, Paris, Roma, at
Brussels kung saan nakita ko ang malulungkot na sitwasyon ng ating mga
kababayan na nagtatrabaho sa mga larangang mababa kaysa sa mga nationals
doon. Nakagawa ako ng dalawang pelikula dahil sa aking mga karanasan:
una, For the Next Guest – tungkol sa isang Filipina chambermaid; Through the
Four Seasons, buhay ng isang Filipina nursing aide sa London. At naisulat ko
rin ang trabaho nila sa aking aklat: Filipino Women in the World of
Work.
Noong 1990’s nanaliksik naman ako ng buhay ng mga
manggagawa at lumabas ito bilang Unearthing Philippine Realities of Workers. Nakasulat
din ako tungkol sa buhay ng mga Sakada sa Negros Occidental noon 1990’s at
inilabas ito ng Depthnews Asia – kinalat sa mga diyaryo sa buong Asya.
Ang paglahok ko sa pulitika ay dulot ng aking
pananaliksik at pagsusulat sa diyaryo. Ngayon gusto ko nang direktang buhayin
ang aking mga inaasam para sa ating mga kababayan dito sa Quezon City. Marami
akong plano para sa mga manggagawa dito sa syudad.
1. . Mababang halaga ng pagkain; Food
banks para sa mga kapos sa pagkain;
2. Pagtatayo ng job units sa bawa’t barangay: ise-survey ang kakayahan
ng bawa’t kababayan sa bawa’t barangay; maghahanap ng trabaho para sa bawa’t
manggagawa;
3. Unemployment benefits para sa mga nawalan
ng trabaho sa loob ng 6 buwan;
4. Palalakasin ang
daycare services sa bawa’t barangay para ang mga magulang ay may mapaglalagakan
ng matino at tapat na naninilbihang social workers;
Magiging bukas ang tanggapan ng City Mayor sa
kahit na anong sitwasyon ng ating mga manggagawa dito sa Lungsod. Isang araw
kada amgtatakda ako ng isang araw bawat linggo para magkaroon ng talakayan
tungkol sa buhay ng mga manggagawa, kasama ang mga asosasyon, unyon at NGO na
tumutulong sa mga manggagawa. Sana
ay magkatulungan tayo at sisiguraduhin ko ang tunay na pagbabago ng buhay ng
mga manggagawa sa ating Lungsod Quezon. - OROzco EMMA WALANG
IWANAN, PAGBABAGO AY SIGURADO
No comments:
Post a Comment