Seguridad
1.
Nerbyos ng mga tao: dahil
sa dagundong, mabibilis na pagtakbo ng mga sasakyan sa skyway, at
dahil sa trafik naman sa Araneta Avenue, magugulumihanan na ang mga
taong maglakad, tumawid o magmaneho.
Magkakaroon
ng nerbyos ang mga tao sapagka't matatakot silang maaksidente.
Mahihirapan
silang maka-concentrate sa mga trabaho at negosyo;
Ang
mga mag-aaral ay hindi na makakapag-focus sa pag-aaral. Papunta sa
eskuwela at pauwi, dahil sa tindi ng pakikipagpatintero sa pagtawid
ng kalye, makakalimutan na nila ang kanilang mga napag-aralan, o dili
kaya ay hindi na nila nanaisin pang mag-aral.
- Nakawan. Dahil magiging madilim ang Araneta Avenue, magkakaroon ng maraming nakawan dito dahil mahihirapang mangalaga ng seguridad ang kapulisan.
3.
Kawalan ng Katahimikan. Ang
mga tahanan ay hindi na matatahimik. Darami ang mga akyat-bahay dahil
madaling magtago sa kadiliman ng Araneta Avenue.
Ang
mga negosyante ay mahihirapang i-secure ang kanilang mga ari-arian.
Mga
Epektong Panlipunan:
Ang
sangkatauhan ay binuhay upang huminga ng oxygen, hindi ng polyusion.
Kailangan natin ng sikat ng araw malinis na hangin at maluwang na
espasyo para makakilos.
Subali't
dahil sa Proyektong Skyway, ang uri ng mga taong mabubuhay dito ay
mga matatakutin, walang ganang mabuhay. Sa bawa't pagkilos ng mga
naninirahan dito, matatakot na silang lumabas ng tahanan. Dili kaya,
karamihan mas nanaisin pang humanap ng ibang matitirahan o kaya ay
umalis ng bansa.
Ang
mga tao ay matututong kumilos ng mabilis, dahil tensyonado.Sa bawa't
pagkilos ng mga naninirahan dito, matatakot na silang lumabas ng
tahanan. Mas nanaisin nilang makaalis kaagad sa lugar na ito.
Magkakanya-kanya
ang mga tao at wala ng pakialaman sa buhay ng iba dahil ang hahanapin
ng bawa't isa ay katahimikan at mabuhay. Ang pagsisilbi sa iba ay
mawawalang mithiin na tinuturo sa isang makatao at makaDiyos na
lipunan.
Mga
Magulang at Nagtatrabaho
Maraming
mga magulang, karamihan ay mga babae, mga ina na hinahatid ang mga
bata sa eskuwelahan, lalo na dito sa Betty Go-Belmonte Elementary
School. Dahil sa Skyway, sila ay mahihintakutan, matatakot na tumawid
ng Araneta Avenue dahil dumadagundong ang inga ng mga sasakyan sa
ibabaw, at pabilisan naman ang mga sasakyan dito sa baba.
Samakatuwid, sila, sa halip na nakatuon sa paghahatid ng bata para
makapag-aral ng mabuti , ay iisipin na rin ang kanilang seguridad.
Ang
mga manggagawa at propesyonal ay uuwi na hirap na hirap --- sa
trabaho at sa pag-uwi dahil sa napakatensyonadong daraanan nila.
Mga
Mag-aaral
Anu-anong
mga eskuwelahan ang mga naririto?
UE
Ramon Magsaysay Memorial Hospital
Central
Colleges of the Philippines
Immaculate
Heart of Mary College
Betty
go-Belmonte Elementary School
Carlos
Albert High School
at
marami pang eskuwelahang pribado na pang-kinder.
Ang
mga mag-aaral ay mahihirapang ituon ang kanilang isipan sa pag-aaral
dahil sa nerbyos na mararanasan nila sa pagdaan dito sa Araneta
Avenue Skyway. Papunta at pabalik mula sa eskuwelahan hindi sila
kaagad matatahimik dahil sa takot na masagasaan o mabagsakan ng mga
sasakyan, o makakita ng aksidente.
UNITED
NATIONS WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT AND DEVELOPMENT (UNWCED)
Bruntland Report 1987
Ayon
sa UN, ang tinatawag na kaunlaran ay sinasagot ang mga
pangangailangan hindi lamang ng henerasyong ito kundi pati ng mga
salinlahi na darating. Dapat din ang mga batayang pangangailangan ng
mga tao, lalo na ng mga naghihirap ang tuunan ng pansin at dapat ding
limitahan ang mga teknolohiya na makasisira ng kapaligiran.
Subali't
ang Proyektong Skyway ay taliwas sa sinasaad ng UN report na ito.
Iinit
ang Kapaligiran
Dahil
sa pagtatayo nito maraming mga pinutol na puno. Mainit na ang
kapaligiran, lalo pa ito sisidhi.
Ang
mga puno ay mahalaga para sa mabuting paghinga, pagbibigay ng lilim
sa tao at mga ibon, at pagdulot ng positibong pakiramdam, kasi
malapit tayo sa kalikasan.
Batay
sa proyekto, 55,000 na mga sasakyan ang daraan dito. Na iiwas sa
trafik sa EDSA. Samakatuwid, 55,000 ang daraan dito sa Araneta
Avenue, na magdadala ng dagundong ng mga sasakyan. At kapag may
nasiraan, ay magdudulot ng pagkatakot at nerbyos sa mga nakatira sa
paligid.
Aalis
na ang mga ibon sa paligid at hahanap ng masisilungang mga puno.
AYON
SA LOCAL GOVERNMENT CODE Republic Act 7160:
Polisia
ng Estado kinakailangang magdaos ng konsultasyon ang lahat ng mga
ahensiya ng gubyerno sa mga lokal na gubyerno, sa mga barangay, sa
mga organisasyong non-government, at mga organisayon ng sambayanan
(NGO's at people's organisations).
Hindi
nagdaos ng konsultasyon ang DPWH tungkol sa pagpapatupad ng
Proyektong Skyway, kung kaya't dapat na pilitin itong sundin ang
sinasaad ng RA 7160.
ANO
ANG GAGAWIN NATIN?
1.
Pag-usapan ang Proyektong Skyway;
- Ibandila sa iba ang mga negatibong epekto nito sa lahat;
- Sumulat sa mga editor ng dyaryo, tumawag sa estasyon ng mga radyo, o kaya ay lumapit sa mga news reporters at ilabas ang mga saloobin niyo tungkol dito;
- Sumulat sa Pangulo ng Pilipinas na ipatigil ang proyektong ito; at
- Sumulat ng petisyon sa Supreme Court na ipatigil ang proyektong ito.
Sumulat
ng Pulyetong ito:
Wilhelmina
S. Orozco
Kasapi
ng Kamalapina
Media
Collective
09128516359

kk
No comments:
Post a Comment