Friday, April 10, 2015

Proyektong Skyway: MGA EPEKTO

I. Mga Datos tungkol sa Proyektong Skyway

1. Ano ang titulo ng Project? MetroManila Skyway System-3 o MMSS-3

2. Magkano ang budget ng Project? P1.3 Billion

3. Paanong mababawi ang gastos sa Skyway? Tutubo ba ang proyekto?
Kikita pa ang Skyway dahil sa toll. Marami ang daraan sa skyway dahil mas maiksi na ang daan mula sa katimugan papunta sa hilaga o norte. Makatitipid daw sa gasolina at diesel kaysa gumamit ng ibang daan. Kung kaya't makamumura ang mga nagbibiyahe dito.

4. Saan magmumula ang pagtatayo ng Project at saan magtatapos?

Mula sa Buendia, Makati City hanggang sa Balintawak. Daraan ito Pres. Quirino Avenue, Plaza Dilao, Nagtahan, Aurora Boulevard, E. Rodriguez Avenue, Quezon Avenue, Sgt. Rivera at Balintawak.

Magkokonek ito ng SLEX at NLEX.

Paanong mababawi ang gastos sa Skyway?
Magkakaroon ng 14 toll plazas,
Daraan ito sa Araneta Avenue.

Magkakaroon ng kalye sa ibabaw ng Araneta Avenue na tinatawag na skyway.

5. Ilan ang tinatayang bilang ng mga sasakyan ang daraan dito? 55,000 na sasakyan ang daraan sa araw-araw.

6. Ilang barangay ang daraanan ng Skyway? 5
Mga Barangay Dona Imelda, Santol, Sto. Nino, Tatalon, at Talayan

II. SINU-SINO ANG MAAAPEKTUHAN ?

1. Mga naninirahan sa Barangay Dona Imelda, Santol, Sto. Nino, Tatalon, at Talayan. Mga nakatira sa PTS Bahay Caridad (may 20 gusali, 5 palapag (5 floors), at estimated 20 families per floor.

  1. Mga mag-aaral sa mga eskuwelahan tulad ng Betty Go-Belmonte Elementary School, Carlos Albert High School, Central Colleges of the Philippines, UE Ramon Magsaysay Hospital, Immaculate Mary College, mga eskuwelahan na pangkinder, Delos Santos-STI at Polytechnic University of the Philippines o PUP;

  1. Mga magulang, kamag-anak lalo na ang mga Nanay at Tatay na naghahatid ng mga anak nila papuntang Betty Go-Belmonte Elementary School na tumatawid ng Araneta Avenue papuntang Bayani Street, ang lugar ng eskuwelahan;

  1. Mga may negosyo at trabaho sa tindahan, opisina, pagawaan ng mga bagay, atbp.;

  1. Mga mamimili sa iba't ibang malls tulad ng Puregold Junior, Puregold QI, SM Centrepoint, Mezza, Galas-BalicBalic;
  1. Mga commuters na tumatawid mula sa Sta. Mesa papuntang Quezon Avenue, at vice-versa; at

  1. Mga Call Center agents

Lahat ng mga nabanggit ay dumaraan ng Araneta Avenue.

III. MGA DISBENTAHE

Anu-ano ang mga disbentahe ng project skyway para sa mga naninirahan sa paligid ng Araneta Avenue? Bakit mga disbentahe?

A. Polusyon :
1. Usok: hindi lahat ng sasakyan na daraan ay siguradong a-1 ang kundisyon. Marami ang smoke-belchers o nagbubuga ng usok. Kung kaya't magkakaroon ng polusyon sa paligid natin.

Ang skyway ay mas malapit sa langit. Kapag nagbuga ng usok sa itaas at malamig ang panahon, ang usok ay mananatili sa ibabaw at mahihirapan tayong huminga.

2. Ingay – Magiging maingay sa skyway. Araw at gabi may mga magdaraan na mga sasakyan. Maiistorbo ang pagtulog ng mga tao sa kapaligiran. Ang mga mag-aaral ay mahihirapang mag-concentrate sa mga leksyon nila. Ang mga negosyante ay mahihirapang magtasa ng kanilang mga kinikita. Ang mga manggagawa ay mahihirapang mag-concentrate sa trabaho nila at maaaring magkamali parati dahil sa ingay na dala ng mga nagdaraang sasakyan na maririnig nila.

B. MADILIM – magiging madilim ang Araneta Avenue. Tatakpan ng Skyway ang langit kung kaya't ang mga tao ay daraan sa ilalim nito. At kung araw sila daraan dito, makararanas ng panlulumo dahil madilim ang susuotan nila

K. HINDI MAKASINING. WALANG KALATUY-LATOY NA KAPALIGIRAN, PURO BATO AT KONKRETO. Mawawalan ng magagandang tanawin sa Araneta Avenue – dati-rati maraming puno ang nasa gitna ng daan ng araneta avenue pero sa ngayon ay wala na. Pati ang mga halaman dito ay nawala na rin. At dahil mawawalan ng araw, kung meron mang mga halaman ang mga ito ay papangit ang pagtubo, magiging payatin at walang kabuhay-buhay.

  1. MGA IBON WALANG SILUNGAN. Aalis ang mga ibon dahil mawawalan sila ng masisilungan. Ang mga bata ay mawawalan na ng mga tanawing makakalikasan. Puro mga sasakyan na lamang ang kanilang makikita. Magiging matamlay ang mga tao sa kapaligiran.

E. Mainit na Kapaligiran
Dahil sa pagtatayo nito maraming mga pinutol na puno. Mainit na ang kapaligiran, lalo pa ito sisidhi.

Ang mga puno ay mahalaga para sa mabuting paghinga, pagbibigay ng lilim sa tao at mga ibon, at pagdulot ng positibong pakiramdam, kasi malapit tayo sa kalikasan.

Batay sa proyekto, 55,000 na mga sasakyan ang daraan dito. Na iiwas sa trafik sa EDSA. Samakatuwid, 55,000 ang daraan dito sa Araneta Avenue, na magdadala ng dagundong ng mga sasakyan. At kapag may nasiraan, ay magdudulot ng pagkatakot at nerbyos sa mga nakatira sa paligid.

Aalis na ang mga ibon sa paligid at hahanap ng masisilungang mga puno.
IV. Hihina ang Negosyo
Ang Aurora Boulevard ay nilagyan ng LRT. Dahil dito nawala ang maraming mga tindahan at negosyo rito. Ang Rizal Avenue ay napakagandang kalye noon at marami ring mamimili dito. Pero nang itayo ang LRT1 ay kumonti na at naging napakagulo na. Mga sidewalk vendors ang mga naglipana rito. Wala ng dignidad ang pagnenegosyo rito. Ang Pasay Rotonda ay nilagyan ng MRT 3 terminal. Ito ngayon ay napakasikip. Nahihirapan ang mga mamimili, lalo na kung may sasakyan na magpupunta rito. Walang parking lot.

At dahil madilim na sa Araneta Avenue, kahit lagyan ng artificial lighting, mawawalan na ng gana ang mga mamimili na i-patronize ang mga negosyo rito na kung saan may mga hardware, bilihan ng mga damit, kainan, at supermarkets.

IV. Seguridad

1. Nerbyos ng mga tao: dahil sa dagundong, mabibilis na pagtakbo ng mga sasakyan sa skyway, at dahil sa trafik naman sa Araneta Avenue, magugulumihanan na ang mga taong maglakad, tumawid o magmaneho. Magkakaroon ng nerbyos ang mga tao sapagka't matatakot silang maaksidente. Mahihirapan silang maka-concentrate sa mga trabaho at negosyo;

Ang mga mag-aaral ay hindi na makakapag-focus sa pag-aaral. Papunta sa eskuwela at pauwi, dahil sa tindi ng pakikipagpatintero sa pagtawid ng kalye, makakalimutan na nila ang kanilang mga napag-aralan, o dili kaya ay hindi na nila nanaisin pang mag-aral.

2. Nakawan. Dahil magiging madilim ang Araneta Avenue, magkakaroon ng maraming nakawan dito dahil mahihirapang mangalaga ng seguridad ang kapulisan.

3. Kawalan ng Katahimikan. Ang mga tahanan ay hindi na matatahimik. Darami ang mga akyat-bahay dahil madaling magtago sa kadiliman ng Araneta Avenue. Ang mga negosyante ay mahihirapang i-secure ang kanilang mga ari-arian. Doble ang pasanin nila: paanong kumita at paanong siguruhing walang magnanakaw sa kanila.

V. Mga Epektong Panlipunan:
Ang sangkatauhan ay binuhay upang huminga ng oxygen, hindi ng polyusion. Kailangan natin ng sikat ng araw malinis na hangin at maluwang na espasyo para makakilos.

Subali't dahil sa Proyektong Skyway, ang uri ng mga taong mabubuhay dito ay mga matatakutin, walang ganang mabuhay. Sa bawa't pagkilos ng mga naninirahan dito, matatakot na silang lumabas ng tahanan. Dili kaya, karamihan mas nanaisin pang humanap ng ibang matitirahan o kaya ay umalis ng bansa.

Ang mga tao ay matututong kumilos ng mabilis, dahil tensyonado.Sa bawa't pagkilos ng mga naninirahan dito, matatakot na silang lumabas ng tahanan. Mas nanaisin nilang makaalis kaagad sa lugar na ito.

Magkakanya-kanya ang mga tao at wala ng pakialaman sa buhay ng iba dahil ang hahanapin ng bawa't isa ay katahimikan at mabuhay. Ang pagsisilbi sa iba ay mawawalang mithiin na tinuturo sa isang makatao at makaDiyos na lipunan.

Mga Magulang at Nagtatrabaho
Maraming mga magulang, karamihan ay mga babae, mga ina na hinahatid ang mga bata sa eskuwelahan, lalo na dito sa Betty Go-Belmonte Elementary School. Dahil sa Skyway, sila ay mahihintakutan, matatakot na tumawid ng Araneta Avenue dahil dumadagundong ang inga ng mga sasakyan sa ibabaw, at pabilisan naman ang mga sasakyan dito sa baba. Samakatuwid, sila, sa halip na nakatuon sa paghahatid ng bata para makapag-aral ng mabuti , ay iisipin na rin ang kanilang seguridad.

Ang mga manggagawa at propesyonal ay uuwi na hirap na hirap --- sa trabaho at sa pag-uwi dahil sa napakatensyonadong daraanan nila.

Mga Makasining na mga tao ay mawawalan na ng inspirasyon sa paggawa ng mga obra maestra. Puro madidilim, magugulong mga sasakyan ang kanilang makikita. At dahil maingay sa kapaligiran, ang mga lumilikha ng musika ay mawawalan ng gana. Walang makasusulat ng tula o makapagpipinta ng mga makasining na gawain. Manlulumo o made-depress lamang sila at kinakailangan pang lumayo papunta sa mga makasisining na lugar, kung may pera sila.

Mga Mag-aaral
Anu-anong mga eskuwelahan ang mga naririto?
UE Ramon Magsaysay Memorial Hospital
Central Colleges of the Philippines
Immaculate Heart of Mary College
Betty go-Belmonte Elementary School
Carlos Albert High School

at marami pang eskuwelahang pribado na pang-kinder.

Ang mga mag-aaral ay mahihirapang ituon ang kanilang isipan sa pag-aaral dahil sa nerbyos na mararanasan nila sa pagdaan dito sa Araneta Avenue Skyway. Papunta at pabalik mula sa eskuwelahan hindi sila kaagad matatahimik dahil sa takot na masagasaan o mabagsakan ng mga sasakyan, o makakita ng aksidente.

VI. UNITED NATIONS WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT AND DEVELOPMENT (UNWCED) Bruntland Report 1987

Ayon sa UN, ang tinatawag na kaunlaran ay sinasagot ang mga pangangailangan hindi lamang ng henerasyong ito kundi pati ng mga salinlahi na darating. Dapat din ang mga batayang pangangailangan ng mga tao, lalo na ng mga naghihirap ang tuunan ng pansin at dapat ding limitahan ang mga teknolohiya na makasisira ng kapaligiran.

Subali't ang Proyektong Skyway ay taliwas sa sinasaad ng UN report na ito.

VII. AYON SA LOCAL GOVERNMENT CODE Republic Act 7160:

Polisia ng Estado kinakailangang magdaos ng konsultasyon ang lahat ng mga ahensiya ng gubyerno sa mga lokal na gubyerno, sa mga barangay, sa mga organisasyong non-government, at mga organisayon ng sambayanan (NGO's at people's organisations).

Hindi nagdaos ng konsultasyon ang DPWH tungkol sa pagpapatupad ng Proyektong Skyway, kung kaya't dapat na pilitin itong sundin ang sinasaad ng RA 7160.

ANO ANG GAGAWIN NATIN?
1. Pag-usapan ang Proyektong Skyway;
  1. Ibandila sa iba ang mga negatibong epekto nito sa lahat;
  2. Sumulat sa mga editor ng dyaryo, tumawag sa estasyon ng mga radyo, o kaya ay lumapit sa mga news reporters at ilabas ang mga saloobin niyo tungkol dito;
  3. Sumulat sa Pangulo ng Pilipinas na ipatigil ang proyektong ito; at
  4. Sumulat ng petisyon sa Supreme Court na ipatigil ang proyektong ito.

Sumulat ng Pulyetong ito:

Wilhelmina S. Orozco
Kasapi ng Kamalapina
Media Collective
09128516359

7

No comments: