ni Wilhelmina S. Orozco
Napakasarap ang mamasyal sa ating bansa, na marami pang likas-yaman.
Nagpunta ako sa Olongapo at nagdaan sa North Luzon Expressway kaninang umaga. Sa kaliwa't kanan nakakita ako ng luntian, kahaba-habang mga bukid na tinamnan ng palay sa may Bulacan. Ang buong akala ko ay wala na ang mga yaon. Yun pala ay marami pa rin na binibigyang pahinga ang aking mga mata sa dami ng mga nasusulat, nababasa at napapanood kong mga advertising billboards sa Kamaynilaan. Hay, Salamat sa Diyos at marami pang may-ari ng lupa na hindi nagkakaisip mag subdibisyon.
Pagkatapos ng Bulacan, dumaan ang bus na sinasakyan ko ng Pampanga at ako'y nanlumo. Bakit kanyo? Kasi sa loob ng 9 na taon na naging pangulo si GMA hindi man lamang niya napaganda ang lalawigang ito. Duon sa dinaanan namin, ang mga kanal ay puno ng basura; walang sidewalk; at walang disenyo ang mga kalye. Duon lamang sa mga may malls nagkaroon ng kaayusan ang mga lugar.
Bakit ganun? Sa buong tanang naging pinakamataas siyang opisyal ng bansa, ni hindi man lamang niya napakinang ang lalawigan ng tatay niya, na naging pangulo rin ng bansa? Tunay na ang pagiging pinakamataas na pinuno ay nakalalasing ng iilang tao at bumubulag sa kanila sa kung ano ang dapat nilang bigyan sana ng pansin. Nakakaawa namang ang mga Kapampangan.
Dumating ako sa Olongapo matapos ang kulang-kulang sa tatlong oras na paglalakbay. Kapansin-pansin ang dami ng mga berdeng plastik na basurahan sa bawa't kanto at sa harapan ng bawa't tahanan. Sabi sa akin ni Nena, ang aking masseuse at matalik na kaibigan simula pa noong 2009, ang mga basurahan ay kasama sa buwanang binabayaran ng mga tao at ang fee ay nakapaloob sa electric bill nila. Ang galing di ba? Dahil binabayaran ang basurahan, kung kaya't kailangang gamiting mabuti. Kaya't malinis ang karamihan sa mga lugar ng Olongapo.
At ngayong hapon, namasyal kami nina Nena, ng kanyang mga apo at ibang kamag-anak sa isang beach resort sa Olongapo, ang S. Beach.
Sorry folks, the owner did not give us any receipt for the 700 pesos that my friend had paid, which was supposed to be for 11 people and the use of a dilapidated bamboo table. Walang tawad, nagmatigas pa ang mama. He had a certain American twang brought about perhaps by having relatives who live in the States.
Anyway, the trip was worthwhile. The children enjoyed every minute of immersing in the clear waters which had greenish color due to the reflection of the surrounding mountains full of trees. We all enjoyed swimming (frog kick), photographing each other, eating and lolling in the beach. Almost heavenly. Besides, the beach was solely for our use by accident, no other visitors around.
Sa kalayuan ng dagat, matatanaw ang kabundukan. Nakakarelaks talaga at preskong presko ang simoy ng hangin. Wala ring ingay ng mga rock music o radyo na karaniwang naririnig sa Lido beach at iba pang resorts sa Maynila at sa Laguna.
Kung maaari lang ayoko nang mag-isip ng pulitika at tuluy-tuloy na lang sana sa paglulunoy sa dagat, pagpapalakas ng aking mga senses- sense of hearing, sight, smell, touch and what we call extra sensory perception. Wala na akong dapat intindihin kundi ang pagdama ng aking katawan at isip sa kapaligiran.
Pero hindi talaga ganun ang nangyari, kasi naiisip-isip ko pa rin ang usapan namin ng kunduktor ng bus noong papalapit na kami sa Olongapo:
W: Sino ho ang mayor ngayon ng Olongapo?
K: Si Gordon.
W: Sinong Gordon?
K: Si James Gordon.
W: Di ba dati si Richard Gordon?
K: Oho. Gordon pa rin.
W: Bakit naubusan na ba ng apelyido dito sa Olongapo?
W: Nagpunta ako rito sa Olongapo noong dekada nobenta at nag-interbyu ng isang madre ng Daughters of Charity tungkol sa mga Amerasian kids. Alam na alam ko na ang apelyidong Gordon noon pa lang. Nagtataka ako, pangalawang milenyo na, at ganun pa rin ang kalakaran.
Malungkot ang mga mukha ng kunduktor at drayber ng bus. Wala silang maisagot kundi, "Kanila ito e."
Mestisong Amerikano ang mga Gordon. Mapuputi silang lahat. Ang mga Pilipino ay kayumanggi. At tumira rito ang mga Amerikano mula noong 1898; at ang mga base naman ay nagtagal dito hanggang 1991 matapos pumutok ang Mt. Pinatubo na nagdala ng abo sa buong mundo.
Kailan magkakaroon ng pagkakataon ang ibang mga taga Zambales, ang mga taga Olongapo ng pagkakataon na magamit din nila ang kanilang kasanayan at katalinuhan sa pamamalakad ng gubyerno?
Maganda ang Olongapo, pero higit na gaganda ito kung makikita ang malayang paglahok sa pulitika ng iba't ibang pangalan, mga tao mula sa iba't ibang bahagdan ng lipunan, hindi lamang nag-iisang pamilya.
Napakasarap namnamin ang paglulunoy ko sa kalikasan kaya lang parang ang hirap maramdaman ito nang pangmatagalan. Parating umuukilkil sa aking isipan:
"Ating isapraktika ang demokrasya sa isip, sa salita at sa gawa."
k
Wednesday, January 4, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment