Magandang araw po
Mga taga IATF
Saludo sa inyo
Ang sisipag ninyo
Araw-araw pa
May miting at report
Kaya nga lang
Taas ng namamatay.
2. Kaya IATF
Maaari bang isipin
Kung sinong ipapalit
ninyo sa trabaho nyo
Tiyak ang kailangan
Isang duktor na tapat
At isa pa
magaling na ekonomista
3. Kailangang iangat
ang ating ekonomiya
Hikahos ang taumbayan
Wala pang masakyan
Mahal ang bilihin
Murang sasakyan wala
Mukhang sintunado
ang inaawit nyo.
4 Pakiusap lang
Magmove-on na kayo
Iba naman dapat
Hahawak ng problema
Maraming salamat
Sa kasipagan nyo
Kay PDD
Huwag kayong mahihiya.
No comments:
Post a Comment