Sunday, August 9, 2020

SING SING SING "I WAS POORLY BORN ON THE TOP OF THE MOUNTAIN"

 

1. Linggo ng pagninilay-nilay ngayong araw

Dapat kalkalin ang ating konsensiya, di ba?

Panahon na upang tingnan kung gawang moral

Ang trabaho natin araw-araw.

REFRAIN: 

Ay Bayan, masakit tingnan

Kapaligiran o kay dilim

Kaluluwang halang

Bilyon ninanakaw

Jeepney drivers naman

Pulubi sa daan


2. Nais kong mabuhay Bayan sa mundong ito 

Walang nakikitang dukha at batang kalye

Pati batang babae ay  iligtas natin 

Mga kadugong pedophiles sibat na yo

REFRAIN: 

Ay Bayan, masakit tingnan

Kapaligiran o kay dilim

Kaluluwang halang

Bilyon ninanakaw

Jeepney drivers naman

Pulubi sa daan


3. Nais kong makitang tapat ang lingkod-bayan

Puwede bang magnilay-nilay ang IATF

Limang buwan na tayong bumubulusok 

Papunta saan tayo kangkungan 'ga?


Kayraming walang wala at walang masakyan

Nguni't ang IATF, may suweldo at kotse

Pagkain araw-araw

Resayn na lang kayo. 


REFRAIN: 

Ay bayan, masakit tingnan

Kapaligiran o kay dilim

Kaluluwang halang

Bilyon ninanakaw

Jeepney drivers naman

Pulubi sa daan


NOTE: YOYOY VILLAME KNOWS THE SONG. SURF HIM. 

FEEL FREE TO TRANSLATE THE LYRICS IN YOUR OWN DIALECT. 



 



 

No comments: