Sunday, August 4, 2019
ISKUL BULLIES
Ang mabuhay sa ating bansa bilang babae ay napakadali. Kailangan palangiti ka. "Huwag kang makikipag-away," Yan ang sinasabi sa akin parati ng Nanay ko. Paano bang gagawin ito? Tumahimik sa harap ng mga pangiinsulto? Hindi. Ngumiti kapag sinilulamsa daan ng mga kanto boys? Hindi in. Basta lumakad na lang ng mabilis.
Natatandaan ko pa noong nasa Bacolod ako, Grades 1 hanggang 3, ako paratnang first honor sa klase namin. Ang principal namin ay si Mrs. Llorca na Nanay ng aking guro sa piano na si si Ms. Eva Llorca. Ang aking guro sa third grade ay si Ms. Esporas. Mahal na mahal niya ako ay sa minsang pagkakamali ko na nakita ko ang grades ko sa mesa niya, napagalitan ako at ako'y imiyak ng umiyak. Niyakap niya ako na parang isang nakababatang kapatid.
Ganun ang guro natin noon. Mapagmahal at hindi nagtatago ng pagmamahal sa estudyant.
Subalit may pangyayari sa aking buhay na siyang isa sa mga naging dahilan ng Nanay ko na magpasiyang bumalik na sa Maynila. Tuwing pagkatapos ng taon ng aking pag-aaral,tumatakbo na ako pasakay sa jeep. Pero may dalawang lalaking humahabolsa akin pagkatapos ay pisikal akong hinaharang at sinasaktan. Umiiyak ako parating umiiyak sa bahay namin kahit na may dala akong ribbon na ako ay first honor sa klase namin.
Galit ang dalawang lalaking yoon sa akin kasi parati silang napapagalitan ko kung hindi nakikinig sa klase at nagdadaldalan. Ako ang hinihirang ni Mrs. Esporas ( at ng iba ko pang mga guro na sorry po at di ko na po ma-recall ang mga pangalan) upang tumayong tutor kapag siya ay lumalabas ng kuwarto.
Mahal na mahal ako ng mga gueo kasi pagkatapos ng klase sa hapon, tumutulong oa ako sa paglilinis. Minsan ay nadilas ako sa kabubunot at natumba ako sa sahig. Namaga ang aking pisngi at matagal bago ako naka-recover para tumayo. Nilagyan ng titser ko ng yelo ang aking pisngi.
Binubunot ko ang sahig ng aming classroom dahil paligsahan sa buong eskwelahan kung anong klase ang pinakamalinis. Pati ang sahig kumikinang sa kinis at linis dapat.
Ngayon mabalik tayo sa dalawang lalaking ito. Ang natatandaan kong pangalan ng isa ay E C. Kapag tatawagan ko kayo sasabihin ko sa inyo ang buong pangalan niya.Ang una ay Eduardo nga pala.
Ngayon bakit ko binabanggit ang karahasang natanggap ko sa mga kaklase kong lalaki? Kasi hindi lamang sa pisikal ang pagiging marahas sa babae. Nariya din ang mga fairytales. At tatalakayin ko yan sa susunod na kabanata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment