Ano ang mga populas na mga fairytales na nababasa natin o pinapabasa sa atin sa klase?
1. Cinderella
2. Sleeping Beauty, at
3. Rapunzel
1. CINDERELLA
Ang kuwento ng Cinderella ay palasak na sa atin at ito ay kinalulugdan ng mga babaeng nanggagaling sa mababang bahagdan ng ating lipunan. Si Cinderella ay inuupasala ng kanyang mga kamag-anak, isang tiyanat dalawang babaeng mga anak nito. Si Cinderella ay anak ng kanyang tatay sa unang asawa na namatay. Namatay din ito ng maaga kaya naiwan siyang biktima ng karahasan ng kanyang mga kamag-anak sa ama. ( Walang sisterhood dito sa mga kamag-anak. Sila sila may sisterhood pero hindi para kay Cinderella.)
Bakit mabigat ang kuwento ng Cinderella? Una ay inupasala, pinahirapan siya ng mga babae sa kanya g buhay; ginawang muchacha sa tahanan. Pangalawa, sino ang nagsalba sa kanya sa kalagayang yun? Isang fairy godmother at ang prinsipe. Pero mas malaki ang papel ng prinsipe dahil naiahon siya sa kahirapan ng buhay niya at naging prinsesa, samantalang ang fairy godmother ay nagbigay sa kanya ng bagong damit, sapatos na glass at isang karwahe para makadalo sa party ng prinsipe, na dinaluhan din ng magkakapatid.
Naiwan ni Cinderella ang isang sapatos niyq sa party sa pagmamadaling makauwi pagdating ng hatinggabi. Kinakailangan na niyang bumalik kaagad sa bahay nila dahil mawawala na ang magic na binigay ni fairy godmother at siya ay magmumikhang busabos muli.
Aang naiwang sapatos ang naging pasaporte ni Cinderella para madiskubre siya ng prinsipe. Ni hindi siya nakausap ng prinsipe; ni hindi alam ang tunay niyang pagkatao ; basta ang babaeng may paa na magkakasya sa sapatos ang napili niya.. Makikita natin na mabuway ang batayan ng pagkakagusto ng prinsipe sa kanya.
si Cinderella din bastana lang sumama sa prinsipe at nagpakasal. Hindi man lang nagtanong lalo na nito: Ano ang ginagawa mong mabuti para sa taumbayan?
Pero siguro, dahil sa angking kapangyarihan ng isang prinsipe, hindi siya natatakot na pumili ng kahit na sinong babae. Puwede niya ipahuli at ikulong ito kung hindi maganda ang ugali. At sa bahagi ng Cinderella, siguro bantad na bantad na rin siya sa buhay niya kaya sumama na lang siya maagad sa prinsipe.
LEKSYON mula sa kuwento ni Cinderella: ang tunay na pag-ibig ay nakabatay sa malalim na pagkilala sa katauhan ng isa't isa.
2.
Utang na loob ko sa mga feminista sa ibang bansa ang aking pananaw tungkol dito.
The Brothers Grimm (die Brüder Grimm or die Gebrüder Grimm), Jacob Ludwig Karl (1785–1863) and Wilhelm Carl (1786–1859), were German academics, philologists, cultural researchers, lexicographers and authors who together collected and published folklore during the 19th century. They were among the first and best-known collectors of German and European folk tales, and popularized traditional oral tale types such as "Cinderella" ("Aschenputtel"), "The Frog Prince" ("Der Froschkönig"), "The Goose-Girl" ("Die Gänsemagd"), "Hansel and Gretel" ("Hänsel und Gretel"), "Rapunzel", "Rumpelstiltskin" ("Rumpelstilzchen"), "Sleeping Beauty" ("Dornröschen"), and "Snow White" ("Schneewittchen"). Their classic collection, Children's and Household Tales (Kinder- und Hausmärchen), was published in two volumes—the first in 1812 and the second in 1815.
No comments:
Post a Comment