Friday, June 14, 2019

BAKIT MAGASTOS ANG PAG SUBMIT NG SOCE?





folks,all  candidates,winners or not are required  to submit their statement of contributions and expenses or SOCE to the COMELEC.

I downloaded the forms and the were in English. The forms are readable for those who have reached fourth year high school and college, not below.

Kaya, kung ikaw mga kumare at kumpare, Pilipino o ibang dialect ang alam mo lamang, talo ka na. Kailangan kumuha ka ng abugado o isang educator o isang marinong talgaa sa Ingles na tutulong sa iyo, para mapunan mo ang mga tanong sa SOCE. Ang forms nito ay handang handa sa mga nakapag-aral, at marunong ng Ingles.

Isa pa, binibigyan ng SOCE ng trabaho ang maraming abugado. Sa isang form, kailangan ang abugado na tatanggap ng mga katanungan ng COMELEC hinggil sa na isubmit na form. Kailanga din ng Special Power of Attorney, peo, dito kahit hindi abugado puwede. Tapos ipa nonotaryo mo.

Mga requirements ng Comelec para sa soce at gastusin:

1. SOCE form isang pahina = P0.70 per page x 5 kopya bawat pahina  = P3.50
2. Yung SPA dalawang pahina kaya P0.70 x 2 pahina = P1.40 x 5 kopya = P7.00
3. Soft copy - CD halagang P15.00 Pagkopya = P50; total P65.00
4. Downloading ng SOCE tatlong pahina  x P4 per page printing= P12.00.
5. Internet rental P20 per hour
6. 6. Notary public - P150.00.
7. SPA - Notary Public - P250.00

SUMA:
xeroxing:
P3.50+
   7.00
Total xeroxing: P10.50
+ download.        12.00
Internet rental.    20.00
Notary puublic.  350.00

Total P392.50
Pamasahe papunta sa Comelec, District 5 at pabalik ng bahay P60 x 2= P120.00

Grand total = P392.50 +P120 = P512.50

MGA TANONG
1. Tanong: Kailangan pa bang mag submit ng SP ang mga hindi nanalong kandidato?         Sagot- Hindi.
2. Kailangan pa bang magsubmit ng soft copy? Sagot: Hindi kasi tiyak marunong magbasa ng papel ang mga staff ng Comelec. Ang lalamanin ng soft coly ay mga datos na useless na after a year kasi magkakaroon na naman ng bagong eleksyon. Bakit magiimbak ang Comelec ng mga basurang CD at bond papers na wala ng pakinabang?
3. Taning: Mahalaga ba ang mga dokumentos na ipinasa submit sa mga hindi uupong kandidato?                                                                                                 Sagot: Hindi. Ang mga dokumentos lamang ng mga uupong kandidato ang dapat na ipa submit at suriin ng mabuti  at kailangang alamin kung hindi sila sumobra sa paggasta, kung nandaya, kung namili ng boto, kung may contributor o padrino o donor na malaki ang binigay para makapag imprenta ng sangkatutak na tarpulin na inilagay sa legal at illegal na pamamaraan, kung may binayarang mga purok leders para hikayatin ang constituents na iboto sila,  (syempre itatago ang mga pangalan ng mga yan at ang gastusin ay kokoleretehan), etsetera, etsetera.

Ang kalakarang hindi pa nababago ay isang paraan para paliitin ang puwNg para makakusot ang mga taong nagnanais manilbihan sa ating bayan na walang atik para maglagay. Kailangan lamang ay ang mga may pera, may kayang mag appiint, mag hire ng mga tatakbo at gagawin ang mga rekisitos na itinakd ng Comelec.

Tayo mga Kapatid, Kababayan, Kapuso, Kapamilya,  tayo ay istranghero sa mga mata ng taga COMELEC.Sila ang boss kapag eleksiyon, hindi ang taumbayan. Bakit nagkaganito ang marubdob nating pagmamahal sa ating bayan? Pinahihirapan tayong maka comply at makasunod sa mga patakaran? Kelan ito nagsimula? Sino ang nagpakana ng mga ito?


MGA HISTORIANS: taga history departments ng mga eskuwelahan pakisa eksplika nga.Saan nagsimula ang korapsyon sa Comelec?

No comments: