Monday, February 11, 2019

MGA KABABAYAN SA FRANCIA BANTAYAN


Protesters set fire on Saturday to a car belonging to France’s antiterrorism squad.CreditKamil Zihnioglu/Associated Press



(Mga Kababayan, ano ang nangyayari sa ibang bansa, sa Francia na kinabibilangan ng may 47,000 at 65,000 Filipinos na naninirahan sa Francia at 33,000 ang tinatayang naninirahan na ilegal doon. Araw-araw basahin natin ang nangyayari sa Yellow Vest Movement sa Paris at ibang bahagi ng Francia. )


Ang mga nagpoprotesta laban sa gubyerno ni Pangulong Emmanuiel Macron ng Francia ay  muling nagbalik pero mas kakaunti kesa sa mga naunang demonstrasyon. 

Sinulat ni Adam Nossiter

Sa ika labintatlong linggo ng Yellow Vest demos sa Francia, patuloy ang protesta kahit na nagbigay na ng mga benepisyo si Pangulong Macron. 

May mga bayolenteng aksyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at polissa Paris at sa ibang syudad sa Francia- Avenue des Champs-Élysées at National Assembly sa central Paris. Ang mga motorcycle at basurahan ay sinunog sa Paris, at isang kotse na pag-aari ng antiterrorism unit ay sinunog sa harap ng Eiggel Tower. 

May 51,000 katao ang nagmartsa sa buong Francia noong Sabado, ayon sa pulis ay sikalima or 1/5 lamang ng mga unang demo ng Yellow Vest Demonstration noong Nobyembre. 

Ang hinihiling ng mga demonstrador noong una ay ang pag-aalis ng pagtataas ng buwis sa gas at inalis naman ng gubyerno. Ngayon naman ay hiling nila ang mas mataas na suweldo at mababang buwis higit sa lahat sa mga pagkain. 

"Hindi kami bata. Kami ay malalaki na," ayon Hugues Salone, isang IT engineer mula sa Paris, habang nagdaraan ang amga demonstrador na may daladalang placard at umaawit. 

"Nais naming maparating ang aming gusto, at hindi ang gusto ng mga pulitikong hindi naman tumutupad sa sinasabi nila. 

Ang iba sa mga demonstrador ay naghahanda na ng listahan ng mga kandidato sa darating na eleksyon sa Europa. 


No comments: