Wednesday, October 31, 2018

MUSEO NG KAGITINGAN






Mabigat ang mga paa ni Lorena papunta sa konsulada. Ayaw na ayaw niyang magpunta kasi hanggang ngayon ay nangangalisag ang kanyang mga balahibo tuwing maaalala niya ang nangyari sa kay Kashoggi noong ikalawa ng Oktubre, 2018. 

Nasa kuwarto sila at nagtatrabaho pero pinauwi sila ng maaga. Natagalan siyang makapagbalot kaya narinig niya ang mga pangyayari. 

Aaaaah. Ayoko, ayokong umuwi sa bansa natin. Papatayin nyo lang ako run. 

Hindi, hindi ka namin papatayin. 

Basta ayokong sumamasa inyo. 

Ah hindi ha. Heto, heto ang mangyayari sa mga daliri mo. Ang mga daliri mong ginagamit mo sa paninira sa kaharian. 

Aaaah...ahhhhh..... 

Mga demonyo....kay......

Sumilip si Lorena sa pinto at nakita niyang wala ng ulo ang si Kashoggi na pinalilibutan ng may labinlimang kalalakihan. 

Heto na heto ang ulo niya. Balutin nyo na yan. At ipapadala natin sa kaharian. 

At narinig ni Lorena na parang may naglalagare ng buto. Nang sumilip siya nakita niya ang lalaki, may headset, na pinuputol-putol, nilalagare ang katawan ni Kashoggi na kanina pa sumisigaw. Parang siyang masusuka sa eksenang nakita niya. 

Nagsalita ang naglalagare-- Kung hindi ninyo matagalang tumingin dito, makinig na lang kayo sa musika. 

Kinilabutan siya at tahimik na sinarang muli ang pinto. Naisip-isip ni Lorena, kung ganito sila kasistematiko sa pagkilos, marahil ay marami na rin silang napagpraktisang gawin yung mga ginawa nila sa lalaki. 

Nang maramdaman niyang nag-alisan na lahat, dahan-dahan siyang tumalilis. 

Sa mga sumunod na araw, maraming nagpuntahang mga taga media at taga gubyerno. Nag-uusisa. Galit na galit dahil ginawang slaughterhouse ang konsulada na nakatirik sa lupa ng gubyerno, na pinahiram lamang sa banyagang bansang ito. 

Hindi maaaring hindi bumalik si Lorena sa opisina para magtrabaho nguni't parang sementeryo ang pupuntahan niya at hindi opisina. 

Paano kayang naging miyembro ng Nagkakaisang Bansa ang bansang kumikitil ng mga mamamahayag, naitanong ni Lorena sa sarili niya. 

Makalipas ang ilang araw, may bumabang memo: gagawin na raw ng gubyerno na museo ang konsulada bilang pagtanaw sa kabayanihan ng lalaking napatay. Manunulat si Kashoggi na tumutuligsa sa mapaniil at malupit na kaharian at hindi marunong kumilala sa karapatang pantao. Paaalisin na raw ang dating mga taga konsulada dahil taliwas sa kagalingang pandaigdig ang ginawa nila. 

Kailangang makahanap na si Lorena ng ibang trabaho. 






Sinulat ni Emma Orozco  

No comments: