Wednesday, October 31, 2018
BAKAL
HINDI BA ANG BAKAL AY NAPAKATIGAS? Kung gagamitin itong panghampas tiyak itong makakasakit at higit pa diyan, makamamatay.
Kaya lang ito talaga ang ginagawang panggawa ng traysikel.
Mahilig akong sumakay sa traysikel -- maliit, mabilis, at mura (kung minsan). Kaya lang bakal ang paligid nito.
Bakal ang paanan,bakal ang bubong, bakal ang mga nasa tagiliran.
At kapag kaskasero ang drayber, o parang ahas sa daan ang pagpapatakbo, tiyak na tatalsik-talsik ka sa kaliwa't kanan o kaya bubunggo sa bubong ang iyong ulo.
Masakit di ba? Siyempre.
Baka magkabukol ka o kaya ay magkatumor at mamatay ng kanser.
Pero wala ba talagang magagawa tungkol dito?
May pangarap ako -- na lahat ng traysikel ay upholstered ang buong loob. Malambot ang mga paligid, ang bubong at may carpet ang paanan. Nang sa ganito ang katawan ng tao ay hindi masasaktan kapag nagmabilis man ng takbo o magpagiwang-giwang ang drayber.
At kailangang uniform din ang ba-ba ng tapakan papasok -- hindi yung may mataas o mababa.
Mahirap bang gumawa ng order ang LTFRB para mangyari ito?
Tricycle 3D Angelo Buenaventura
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment