Thursday, August 17, 2017
LABANAN ANG MATERYALISMO: ANG PAG-AATIKHA SA KARANGYAAN!
Sa aking mga Kababayang mahilig manood ng entertainers at magbasa tungkol sa buhay nila:
pag may nabasa kayong bumibili ng daan-daang libong pisong bag o sapatos ang isang entertainer, isipin nyo na galing sa bulsa ninyo ang pinambili niya noon.
Nabili niya kayo sa mga antics niya kaya sa dami ng nanood sa kanya, binayaran siya ng malaki dahil marami ring adbertisment ang naipon niya na siyang nagbayad sa kanya ng milyones.
Suriin natin: para sa isang artista na pinapanood araw-araw dapat ba siyang magkalat ng mga uri ng pag-iisip na "Hoy, magpakayaman din kayo para mabili niyo rin ang mga mamahaling mga gamit ko. Masarap maging mayaman."
Yan ang pahiwatig niya sa halip na: "Mga kababayan ko, salamat sa tulong ninyo. Ibabahagi ko ito sa mga naghihirap nating mga kababayan."
"Ang tao ay di nabubuhay sa tinapay lamang." Matthe 4:4
Para sa komentaryo pakipadala sa miravera2010@gmail.com or sa 09158238491
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment