ELMA MUROS, HEPTATHLON QUEEN, SEAGAMES, December 1996, Thailand
Sa
pangalawang pagkakataon narinig ko rin ang ating bansa sa listahan ng
mga nirereport ng British Broadcasting Company o BBC sa London. Yung
una ay nang nangyari ang Yolanda.
Ano
yung report? Ang Pilipinas daw ang may pinakamataas na bilang ng
kaso ng HIV-Aids sa buong Asya. Nakakahiya, nakakahiya, nakakahiya.
Ang
ating kabataan ay nahihila sa mga gawaing Unsafe Sex o sekso na
walang pananggalang sa mga sakit tulad ng VD, AIDs, at iba pa,
dahilan sa kawalan nila ng kaalaman kung paanong pangangalagaan ang
kanilang mga katawan.
Anu-ano
ang mga kahihinatnan nito? Sa loob ng lima hanggang sampung taon, ang
ating gubyerno ay gagastos ng malaki para sa kalusugan, at
kagalingang pangmadla o social welfare. Ang ating sektor ng paggawa
at industriya ay hindi na magkakaroon ng mga trabahador na dekalidad
at dahil sa kawalan ng maayos na suplay ng mga empeleyadong exelente
ay maaaring mag-import na lamang tayo mula sa ibang bansa.
Ang
Pilipinas ay malulubog na sa mga produktong imported o subcontracted
mula sa ibang bansa – hindi na natin kakayaning gumawa pa ng ating
mga orihinal na produkto. Paanong gagawin ito kung ang supply ng
manggagawa ay mga bangag?
Isang
matatag na kamulatan sa sports ang isang solusyon dito para sa lahat
ng kabataan at nakatatanda. Kailangang
itanim sa isipin ng kabataan at
ng ating mga mamamayan na ang pagkakaroon ng isang malusog na
pamumuhay, ang pagkalinga sa ating katawan, isipan, emosyon, at
kaluluwa ay mahalaga. Hindi pwedeng magkakahiwalay ang mga ito.
Ngayon
na ang panahon para lahat ng mga sports officials ay bumangon at
makaramdam ng kanilang tungkulin sa lipunan at umakto ng masigasig
upang siguruhin na ang ating mga kababayan ay nakatuon sa
pangangalaga ng ating mga katawan.
Ano
ang kamulatan sa sports? Ibig sabihin nito, alam natin ang bawat
bahagi ng ating katawan – ang masel, ang mga ugat, ang mga buto at
iba't ibang
bahagi ng ating katawan, kung paano silang gumagalaw, kumikilos, at nagbabago; kung bakit malakas ang ating katawan at kung minsan naman ay nanghihina.
Samakatuwid, kailangang may pakiramdam tayo tungkol sa ating katawan. Kailangang alam natin kung anong mga pagkain ang ating kakainin na magpapalusog sa atin at kailan tayo magpapahinga para huwag manghina ng tuluyan ang ating katawan. Oo, kailangan ng ating katawan ang pahinga, kahit na ang isipan at damdamin. Ito ay masusing pinag-aaralan at malaking papel ang ginagawa diyan ng barangay at eskuwelahan
"Walang karapatan ang sinuman na maging bano sa pagpapalakas ng katawan. Nakakahiyang makita ang isang taong tumanda na hindi nakikita ang ganda at lakas na kayang-kayang matamo ng kanyang katawan."
"Walang karapatan ang sinuman na maging bano sa pagpapalakas ng katawan. Nakakahiyang makita ang isang taong tumanda na hindi nakikita ang ganda at lakas na kayang-kayang matamo ng kanyang katawan."
No man has the right to be an amateur in the matter of physical training. It is a shame for a man to grow old without seeing the beauty and strength of which his body is capable.- Socrates
(Larawang kuha ni Alinne Pasa rone)
No comments:
Post a Comment